Athena pov:
Hindi pa ren ako tumitigil sa pag iyak habang nasa byahe kami. Tumingin na lang ako sa bintana at pinipigilan ang hikbi o kahit ano mang hagulgol habang si arthur ay nararamdaman kong pabalik balik ang tingin saken at sa daan. Ang bilis na rin ng andar na sasakyan.
Pagdating sa ospital ay dalidali akong lumabas at pumasok. Hinanap ko sila tita pagkatapos malaman ang floor kung san nandon pa si tito. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang tumatakbo. Alam kong nakasunod a rin saken si arthur.
"MOMMY!" umiiyak na sigaw ni kia kaya niyakap ko sya at hinalikan. Mukhang alam na nya ang pakay ko kay sinamahan nya kame kay tita.
Nakita ko si tita na nakaupo sa isang bench sa tapat ng isang kwarto at umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"T-tita a-ano to?Bakit parang biglaan n-naman?" tumunghay saken si tita at pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"S-sorry athena..."
"P-po?A-anong s-sorry?...T-tita anong---"
"Matagal ng may sakit ang tito mo. Matagal na." putol nya sa sasabihin ko. Lalo naman akong napaiyak dahil sa sobrang pagkagulo ng utak at isip ko.
"Tita kelan pa?!"
"Mula nung bago ka makapagtapos ng high school. May sakit na ang tito leo mo non. Pero hindi pa ganon kalala yung sakit nya sa puso. Hindi tulad nung makarating ka na ng college, lumala na. Hindi sya nagtrabaho sa america. Kundi nagpagamot at nagpaopera. Hindi na nya ako pinasama sa kanya dahil wala raw mag babantay sayo." saad ni tita. Napahagulgol naman ako.
Bakit si tito pa?!
"Bakit nyo po tinago saken to? Tita ang tagal na panahon akong nalilito sa kinikilos ni tito. P-pero kahit isa wala akong nalalaman tungkol sa kanya." hagulgol ko. Pinunasan ni tita ang luha nya at may kung anong kinuha sa bag nya.
"Sa sulat na to anak. Dyan mo malalaman ang sagot. Basahin mo to pagkalibing ng tito mo....Y-Yun yung sabi nya saken b-bago sya m-mawalan ng m-malay." niyakap ko si tita at umiyak sa balikat nya.
"Mommy..." tumingin ako kay kia na nakakarga kay arthur habang pinapatahan nya naman yung bata.
"N-nasan p-po s-si t-tito?"
kahit masakit na makita sya ay kailangan kong harapin. Hindi pwedeng magpadala ako sa sakit na to.
Tinuro ni tita ang tapat naming kwarto at tumango sakin ng tumingin ako sa kanya. Binigay muna ni arthur si kia kay tita at sumama sa akin.
Pagkapasok ko ay halos manlumo ang tuhod at buong katawan ko ng makita ang walang buhay na katawan ni tito na nakahiga sa kama at may taklob na puting kumot.
YOU ARE READING
The Happiness Of Pain
RomanceAthena Christine our main character. Experience a lot of things that make her life miserable. She become a queen of gang because of his partner Arthur jace. When the war is over she thought there's no more challenges will come to her life. But she'...
