Chapter 27~

60 0 0
                                        

Athena pov:

Matapos kong gawin yung design nung bahay na kailangan ni kuya bukas ay nakaramdam ako ng gutom.Ala una na ng gabi ng matapos ako.Tinatawag pako kanina nila kuya para sa hapunan pero hindi ako bumaba at nag focus na lang doon sa bahay.Hindi ko masasabi na maganda dahil ganon naman ako lagi,Pag gawa ko hindi ko agad pinupuri hanggang walang ibang nag pupuri.

Nag inat ako ng braso at niligpit na lahat ng mga ginamit ko.Ini-stapler ko rin sa yellow na folder yung mga nagawa ko.Lima yung mga design,Sila kuya alden na at kuya den ang bahalang mamili.Sana may mapili.

Kilala ko si kuya den dahil minsan na rin yung pumunta dito sa bahay.Nung may ibinalita sya kay kuya saka may ibinigay na folders.Aminado akong gwapo sya,Moreno,May isang dimple saka matangkad.

Bumaba na ako para pumunta sa kusina dahil nagugutom na ako.Dala ko pa rin yung folder.Hindi ko napigilang umakyat kanina dahil tingin ng tingin si kuya!Panay pa ang silip sa ginagawa ko!Tumatawa lang naman sya pag sinasamaan ko ng tingin.

Kumuha lang ako ng isang ice cream at nag slice ng cake na binili nila mama nung makabalik ako dito sa bahay.Ako na lang naman ang gising,Tulog na silang lahat.Si kiana at sammyra ay nahuli pang matulog kay samantha.

Kumuha na rin ako ng gatas,At cookies na iniipon ko sa isang garapon.May mga chips rin akong nilagay sa lamesa at nag simula ng kumain.

"Nice dinner huh?"

"Ay puta!"

"Words!"sya pa galit eh halos atakihin ako sa puso!Sinimangutan ko sya ngunit umirap lang at kinuha ang chips ko

"Kuya kumuha ka na lang ng iyo!"asik ko pero nabuksan na nya.Yun na nga lang yung natirang paborito ko eh!Lahat na nakain nya!Bakit ba kase nagkataon pa na lahat ng paborito ko paborito rin nito!

"That's not good for dinner athena!"sermon nya ngunit patuloy lang ako sa pagkain.Napaitlag ako ng may maalala ako.Tumakbo agad ako sa sala at kinuha yung dilaw na folder.

"Kayo na ni kuya den ang mamili"sabi ko habang sumusubo ng ice cream.Kinunutan nya ko ng noo kahit nasa kanya na yung folder.

"So it's the reason why are you still awake?"taas kilay na tanong nya,Tumango lang ako habang puno ng cake ang bibig.

"What the?Ang akala ko ay tulog ka na!Hindi ko na nga pinansin na hindi ka na sumama sa hapunan namin eh....At saka..Bakit ba ang takaw mo?"iritang sambit nya.Grabe sa matakaw.Palibhasa may abs sya,Walo!Sampalin ko to eh!Gusto ko lang naman tumulong.Ang boring na kase ng buhay ko!Walang magawa!

"Grabe sa matakaw!Kapal!"asik ko sabay irap.Bumuntong hininga na lang sya at umupo sa tapat ko bago tingnan yung laman ng folder.

"Kala ko forever ka ng nakatayo eh"bulong ko na mukhang narinig nya.

"Are you saying something christine?"ngumiwi na lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.Talas ng pandinig!

"Your going to be a new architect in our company athena,In future."saad ni kuya na nakangiti roon sa folder.

Diba dapat sakin naka ngiti?!

"What's that face?Dapat nga matuwa ka kase pinuri ko yung gawa mo."iritang komento nya sa itsura ko.Napanguso na lang ako bago ngitian sya.And duh,Wala akong sinabing puriin na yon!I just want to help him!

"I have a design."sabi ni kuya sa kausap nya sa cellphone.Tumingin lang ako sa kanya at nagpahalumbaba.

"Kuya loudspeaker mo"ngiting ngiting saad ko.Kahit naka kunot ang noo ay ni loudspeaker nya naman.

The Happiness Of Pain Stories to obsess over. Discover now