Athena pov:
Limang araw na ang nakakalipas ng mawala na si tito. Ngayon ang libing nya kaya kaming lahat ay naghahanda para makapunta na sa sementeryo, para sa misa bago ibaon si tito.
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Hindi na ko nag lagay ng kahit ano sa mukha ko dahil alam kong matatangal lang naman mamaya.Nakaputi akong bistida. Simple lang at walang design. Nag puti lang rin akong dollshoes para terno sa damit ko.
Mahirap harapin ang araw na to. Pero pano ako makakawala dito kung hindi ko haharapin to?Ayokong makulong sa sakit na naidulot saken ng pagkawala ni tito. Gusto ko ng makalaya. Ayoko nito, at sigurado akong hindi rin to gusto ng tito ko.
"Athena tara na!" sigaw ni mama. Pinahid ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko at inayos na ang sarili bago lumabas. Nagtaka pa si mama sa itsura ko pero nagpauna na lang maglakad pababa.
Nandito na ren sila ate rhich sa baba,Maging sila arthur. Kay arthur ako sasabay. Yun kase ang sabi nya,na sa kanya na ko sumabay papunta roon.
Habang nasa byahe ay tahimik lang ako, walang umiimik samin ni arthur ni isa. Hindi na rin kase sya umimik siguro binibigyan nya lang muna ako ng space sa pag iisip.
Ng makarating sa sementeryo ay parang gusto ko munang umurong. Uuwi na lang siguro ako. Ayoko nito.
Hindi ko kaya...
"You can do it athena. Im here, were here for you." pagpapalakas ng loob ko ni arthur. Tumango lang ako at inalalayan nya naman akong pumunta sa pwesto nila mama. Katabi nya si tita. Sila arthur ay sa kabilang side ng hanay ng bangkuan kasama sila ate rhich at yung iba pang lalaki.
Tulala lang ako habang nagmimisa. Maging si tita ay ganon rin. Tumutulo na rin ang mga luha nya pero agad nya itong pinupunasan.
Ng dumating sa part na maghuhulog na ng bulaklak at magbibigay ng last message sa patay bago ibaon ay si tita ang nauna.
"Leo. Masaya kanamana siguro dyan diba? Masaya kana sa bago mong buhay. Sorry kung hindi ako lubos na naging asawa sayo. Pasensya kana kung wala manlang akong nagawa bago ka mawala. Wala akong nagawa para gumaling yung sakit mo. Leo...Masakit man...Kailangan kong tanggapin diba? Kailangan kong tanggapin na hindi na uli kita makakasama. K-kailangan kong tanggapin na iniwan mo na ako. Leo...Ito lang ang masasabi ko ngayong wala kana." Pinunasan ni tita ang luha nya at tumayo bago ihulog ang bulaklak. "Mahal na mahal kita kahit anong mangyari." saad nya. Tumayo naman si mama ng makabalik na si tita sa upuan nya. Tulala parin ako pero naririnig ko ang mga sinasabi nila.
"Kuya. Alam kong marami akong kasalanan sayo, sa inyo ng mga anak at ate ko. Lalo na sayo. Sorry kuya. Sana mapatawad moko. Mapatawad mo ko dahil sa mga kasalanan na nagawa ko. S-sana mapatawad mo ko kase wala ako sa tabi mo nung hindi mo na kinakaya. Sorry kuya...Pahinga kana, mahal na mahal ka namin. Suportahan mo sana kame at alagaan kahit na nandyan kana sa kabilang buhay." saad ni mama at inihulog ang bulaklak bago punasan ang luha at umupo rin sa pwesto nya.
YOU ARE READING
The Happiness Of Pain
RomanceAthena Christine our main character. Experience a lot of things that make her life miserable. She become a queen of gang because of his partner Arthur jace. When the war is over she thought there's no more challenges will come to her life. But she'...
