Chapter 43~

25 1 0
                                    





3 weeks past when arthur came back to our life. Hindi ko mapaliwanag ang saya ko dahil mula ng dumating siya pakiramdam ko napaka dabest kong mommy para kay josh dahil sa sobrang saya ng anak ko.Masaya din ako, masaya ako dahil nadagdagan ang saya ng anak ko ng magkaron siya ng kinikilalang ama.

And i also feel relieved at everything.

"Sis anong plano sa birthday ni josh?" tanong ni jessica.

Nasa isang cafe kameng lima dahil lahat naman kame ay day off sa trabaho. This is the chance to have a bond.

"Planado na ni arthur eh, sumang ayon nalang ako. He want a grand celebration. Ewan koba don gagastos nanaman ng malaki." Sabi ko at humigop sa kape ko.

"Let him do anything he want. Ilang linggo palang naman mula ng malaman niyang may anak kayo. Hayaan mosiyang bumawi sa anak niya." Saad ni ate akira na sinang ayunan naman nung tatlo.

"Yeah, and a grand birthday party will make our baby boy happy." Singit ni maria na busy sa kinakain niya parang si sanya.

Malay ko ba sa apat nato, Ang daming plano ngayong araw. Buong araw siguro akong wala sa condo neto. Pano ba naman alas otso palang ng umaga nasa condo kona sila para sunduin ako. Buti nalang maaga rin dumating kanina si arthur, siya narin ang nag prisintang mag bantay kay josh.

Balak pa nitong apat na mag shopping.

"Hey sis look, cute diba? I'll get this for josh." saad ni rizzy at kinuha yung partneran na pang bata.

Una muna kaming pumunta dito sa bilihan ng damit para sa bata dahil bibili daw sila ng regalo sa anak ko.

Nandito narin naman ako ay bumili narin ako ng bagong damit ni arvien. Wala namana akong bibilang iba eh, hindi naman ako mahilig bumili para sa sarili ko. Sapat ng kay arvien lang ako gumagastos.

Sunod kaming pumunta sa bilihan ng damit for adult.

Pustahan madami nanamang bibilhin si maria, lahat naman gusto nan eh. Lahat maganda.

"Girls let's buy a new couple shirt uli. But this time sky blue na. Look oh, it's pretty cute." Masayang ani ni maria na hawak ang mga shirt na sky blue.

May design itong buwan sa gitna then aesthetic na yung background. Right, it's pretty.

"Maganda, I like moon" Pag ngiti ko at tumalikod na muna sa kanila para pumunta sa bilihan para sa lalake.

I just want to give a gift for him. For taking care of arvien kahit responsibilidad niya naman yon bilang ama.

Napili ko yung shirt na color white. It has a simple design pero sobrang ganda niya, ni hindi ko mapaliwanag dahil sa ganda.Babagay naman siguro ito sa kanya.Lahat naman bagay don.

Maganda rin yung presyo syempre.

"Wow, Is that for him sis?" Sabi ni maria sa mapang asar na tono.Umirap lang ako at tinalikudan siya na tinatawanan ako.

Matapos namin mamili ay kumain muna kame dahil anong oras narin naman kaming nag uuli dito sa mall. Pumunta pa kase sila sa toy store para raw kay josh.

Sa isang restaurant lang kame kumain. Malapit lang sa may mall. Nagsasawa na daw kase sila sa mga kainan sa loob.

While waiting our order i got a call from samantha. Oh god i miss them na ni sammyra, Sobrang dalang na namin magkita dahil laging busy yung mag asawa sa trabaho.

Si sammyra ay iniiwan lang nila sa parents ni jaile. Naayos naman nila yung relasyon nilang dalawa sa pamilya ng asawa niya. They got married pero sa ibang bansa. Siyempre di kame nakapunta dahil bukod sa simple ay biglaan din, Ayaw daw nila ng magara.

"Oh?kailangan mo?"

"Ate kelan punta niyo sa bahay?" Napakunot ang noo ko ng tanungin niya iyon. Papunta ba siya kila mama?

"Hindi ko pa alam sam, Nag r-ready kame sa birthday ni josh." Simpleng sabi ko. Dumating nadin ang order namin sa wakas.

"Shocks speaking, kamusta lovelife te? Hindi ka na ba tag tuyot era?" Mapang asar na saad ng kausap ko kaya halos mabilaukan ako sa coke na iniinom ko.

"Samantha!" asik ko.

Napatingin naman yung apat saken na nakakunot ang noo kaya natuptop ko ang bibig ko. Ayokong ma interview ng wala sa oras, lalot ang nga pinagsasasabi ni samantha ay puro kabaliwan nanaman.

"Sige na nga talk to you later, nandito na si jace" Napairap ako ng sundan niya payon ng hagikgik, kinikilig kuno o nang aasar lang talaga.

Nag focus nalang ako sa pagkain ko pagkatapos patayin ang tawag. Hindi narin naman nagtanong yung apat. Napalitan ng topic.

Habang kumakain kame ay syempre hindi mawawala ang chikahan. Kami nato eh. About sa high school life at college lpve life lang naman.

"Hep! Hindi maka relate si athena, Isa lang naman nagustuhan niyan mula 1st year ng high school." Biglang sabi ni sanya.

"Tangina mo." binato ko siya ng tissue at kulang nalang ay maglupagi sila sa sahig kakatawa dahil sa pikon kong mukha.

Bat ba ako naiinis? Eh totoo naman!Si arthur lang naman ang nagustuhan ko mula high school palang. Magkaibigan na kase kame nan since elementary, Naging kaklase ko siya nung grade 5.

Pero nagsimula lang naman ako magka gusto sa kanya noong high school. Siya pa nga ang unang umamin eh.

Atleast naka relate sa "She fell first, he fell harder".

Friends to lovers.




"HAPPY BIRTHDAY ARVIEN!!!" Malakas na sigawan ng mga bisita ng hipan ng anak ko ang malaking cake niya. Kinailangan pa siyang kargahin ni arthur para maabot niya iyon.

"Thank you po sa inyong lahat at lalong lalo napo sa mommy at daddy ko." masayang saad niya. Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Arthur tap his head.

"Anything for you baby." Saad niya at tumingin saken. Ngumiti lang ako ng magtama ang mata namin at nagsimula ng asikasuhin ang mga bisita ng anak ko.

Maganda ang hinandang celebration ni arthur.Hindi mo masasabing effortless dahil nung sinabi niyang grand, enggrande talaga. Like now. The design is in balance. Simple lang lahat ng cartoons na paborito ni josh ay naka design kahit sa lahat ng mga lobo. Malawak din ang venue na pinag ganapan.

Na appreciate ko lahat to, kahit hindi para saken. Pakiramdam ko gumaan yung loob ko sa lahat.

He's starting to making the things up. Ang masasabi kolang ay bilib ako kay arthur. Nagagawa niyang pagsabayin ang schedule ng trabaho niya at ang pag aalaga sa anak namin.

Dahil siya ang laman ng isip ko napatingin ako sa gawi niya. Karga niya si josh habang nakangiti. Napatingin siya saken kaya umiwas ako ng tingin.

Shocks athena buti hindi natunaw!

Ako lang mag isa sa table namin dahil umalis muna sila ate aki para pumasok don sa loob. Malay ko kung anong gagawin ng mga yoon don.

"Hey." halos mapatalon ako sa gulat ng biglang naghila ng upuan si arthur at lumapit sa aken.

Napatitig ako sa mukha niyang hindi kumukupas ang kagwapuhan.

"Ang gwapo." Wala sa sariling saad ko.

He chuckled softly. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang sinabi.

Omygosh athena christine what the hell!

"A-Ano mali yon, Ano dapat yon... Thank you! Oo thank you. S-Sa lahat ng effort mo dito." Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya lalo pat ramdam ko ang titig niya saken.

Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Baka akalain niya kamatis yung kausap niya ngayon my god!

"pretty." seryosong saad niya.











(The end is near guys, thank you for reading this story. Pinutol ko itong chapter na ito kase may mga balak pakong isulat, Medyo mahaba pa siguro.  Basta po Ang last chapter ay chapter 45. Thank you po uli.)


The Happiness Of Pain Where stories live. Discover now