Athena pov:
Bukas na...
Bukas na.At ngayon na rin yung tamang araw para sabihin kay kiana lahat...Lahat...Na babalik na sya sa puder ng mga magulang nya.
"Athena...Alam kong may problema ka,Pwede mo namang sabihin kay mama eh"saad ni mama habang nag aalmusal kame.Kami lang naman tatlo ang nandito sa kusina dahil kasama ni kuya si kiana.
"Ma,una pa lang naman...Alam ko na diba?Alam ko ng aalis sya"mapait akong ngumiti at tumingin na lang sa pagkain.Napabuntong hininga sila at lumapit sa akin para yumakap.
"Matapang ka diba?Kaya nagtitiwala kame,Na malalagpasan mo to"sabi ni mama at humalik sa ulo ko.
"Mahirap rin naman kay kiana ito iha,Kaya wag mo ng hayaang mabigla pa ang bata.Habang maaga pa...Kausapin mo na"sabi naman ni tita.Tumango ako at pilit na ngumiti.
Kaunting salita pa lang ang nabigkas ko,Alam na agad nila kung tungkol saan,kanino Yung problema ko.Siguro kailangan ko nga talagang maging matapang ngayon,At sa sunod na araw dahil mas malala pa yung mangyayari roon eh.
Pagkatapos mag almusal ay nag handa na ako para makapasok.
Nag paalam na ko kay kiana dahil wala raw silang pasok.Dalawang sub lang naman ang meron ako ngayon dahil bukas na raw babawi,Marami raw gawa lahat ng prof ngayon.Lalo na ang SSG president,Si arthur.Kasama sya sa mga meeting with prof at principal.
_
Pagkarating sa bahay ay dumeretso sa kwarto para magpalit ng damit.Sunod kong pinuntahan si kiana na nasa kwarto nya.
"Kiana?Want to bake some cookies?"bungad ko pagkapasok.Ala sais na rin naman ako dumating dahil ako ang namuno sa SSG meeting kanina dahil wala si arthur.
"Mommy!Sige po"binuhat ko na sya papunta sa kusina at pinaupo sa lamesa para makapaghanda ako ng ingredients.
Habang nakasalang pa yung unang gawa ay pinagmasdan ko muna si kiana na nakangiti habang naghahalo ng pandalawang salang na cookies.Malungkot akong napangiti dahil naalala ko na naman lahat...
"Mommy,Done!"tumingala ako para pigilan ang luha at pinilit ngumiti sa kanya.
Naka tatlong salang pa kame bago namin ilagay sa tatlong yellow box at yung tira ay sa garapon na.Tuwang tuwa si kiana habang naglalagay ng sticker sa box,Nag print kase ako nung may design na pikachu.
"Lola,Tito!"sigaw ni kiana ng makita sila mama tita at kuya na papasok na.Kinarga sya ni kuya at isa isa silang humalik sa pisngi ng bata.
"Mommy and i make some cookies"kiana giggled.Tumawa ako bago sila ayaing kumain na,Magbibihis lang raw sila kaya nag hain na muna ako.
"Kiana...."malambing na tawag ko.Natapos na kase kameng kumain at nandito ako sa kwarto nya para patulugin sya.
"Po?"lumapit sya sa akin at tumabi para maging magkalapit na kame.
"About your parents..."natigilan sya at kunot noong tumingin sa akin.
"What about them mommy?"Bumuntong hininga ako at mariing napapikit.
"What if they're back?What if nandito na sila sa pilipinas?...W-What if kukunin ka na nila saken?"Deretso lang sya nakatingin sa akin.
"i-ibabalik nyo po ba ako sa kanila?"I held her hand and sadly smile at her.
"You know naman na im not your real mother righ-"
YOU ARE READING
The Happiness Of Pain
RomanceAthena Christine our main character. Experience a lot of things that make her life miserable. She become a queen of gang because of his partner Arthur jace. When the war is over she thought there's no more challenges will come to her life. But she'...