Noong unang panahon, may isang Kastilang misyonero na naligaw sa isang gubat sa Mai. Napahiwalay siya sa kanyang mga kasama kaya naman ilang linggo rin siyang paikot ikot sa kagubatan. Isang araw, may nakatagpo sa kanya, isang babaylang Indio na nasa kagubatan para maghanap ng mga halamang gamot. Sa una ay natakot sa kanya ang babaylan, pero sa huli, nanaig pa rin dito ang awa sa naliligaw na manlalakbay.
Iniuwi niya ito sa kanilang lupain sa tabi ng isang dambuhalang puno ng Asana. Doon, siya ay inalagaan hanggang siya ay magising. Inalagaan ng babaylan ang misyonero hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa’t isa.
Bilang isang misyonero, ang kastila ay nangaral tungkol sa Salita ng DIOS. Tinanggap naman ito ng mga katutubo, dahil na rin sa kabutihang loob na nakita nila sa kastila. Tinanggap ito ng babaylan, dahil na rin sa mahal niya ang misyonero…
Sa harap ng DIOS ay nagsumpaan sila, nagpakasal… Isang Singsing ang naging tanda ng habang buhay nilang pag-iibigan…
Ngunit ang babaylan ay may manliligaw na hindi matanggap ang kanyang pagkatalo. Napopoot siya sa misyonero. Siniraan niya ang misyonero, tinawag itong maninira ng kalinangan at kasabwat ng mga banyagang mananakop. Ganoon man, di pa rin nawala ang tiwala ng mga katutubo sa kanya… Hanggang isang araw…
Isang araw, sumugod ang mga banyaga. Dala ang kanilang mga baril at espada, walang awa nilang pinaslang ang ilang mga katutubo. Yun ang nagbigay sa mga katutubo ng dahilan para paniwalaan ang mga paratang sa misyonero. Hindi na nila hinayaang siya ay magpaliwanag pa, siya ay pinatay na lang sa harap ng kanyang mahal na babaylan…
Ang babaylan ay nanlaban, ngunit higit na marami ang mga mandirigmang katunggali niya. Matatalo na siya ng biglang dumating ang mga kastilang mananakop. Napatay nila ang lahat ng mandirigma, kabilang na ang manliligaw niyang nanira sa misyonero. Nabihag siya… siya at ang bagong pusong pumipintig sa kanyang sinapupunan…
Nanganak siya, at tanging ang Singsing lang ang naipamana niya rito. Itinali niya ito at ipinasuot sa sanggol na parang kwintas… Pagkasuot niya rito sa sanggol, pumanaw na rin siya…
Halos apat na daang taon ang lumipas… Patuloy na naipasa ang Singsing… Ang Singsing na sagisag ng pagmamahal na tapat na di kailanman nawala. Ang Singsing na sagisag ng pagmamahal na tapat na di napigilan ng pagkakaiba ng paniniwala at lahi, at hindi napatay ng kamatayan…
At ang Singsing na iyon ang gumising uli sa isang natatagong pagmamahalang apat na daang taong naghintay...
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...