title of your story

13 0 0
                                    

Umaga yaon at ako ay nagtatanghalian. Gaya ng kahapon, si Ma’am ang nagpapakain sa akin kasi umalis si Mama. May kinuha lang sa bahay. Saktong sinusubuan ako ni Ma’am ng biglang bumukas ang pinto…

“Aba eh, akala ko may sakit ka at ikaw ay nagpapahinga dito…”

Si Tatay! Nabigla ako at ako ay nabulunan…

“Ay, HalleluYAH, dahan dahan naman!”, tumatawa si Ma’am habang pinapainom ako ng tubig…

“Ah… ikaw siguro yung tinutukoy ni Mama na “Professor” daw ni HalleluYAH. Ako pala ang Tatay niya…”, pagpapakilala ni Tatay. Honestly, iba talaga ang bigkas ni Tatay sa Professor.

“Ikinagagalak ko pong makilala kayo…”, nakangiting pagbati ni Ma’am.

“Ipagpasensyahan mo na kung medyo pilyo batang yan. Mana sa tatay eh…”

“Hindi naman po. “Mabait” naman po siya…”, tiningnan ako ni Ma’am. Medyo naiinsulto ako sa titig niya.

“Hoy anak, nililigawan mo ba si Ma’am?”

Kinuha ko ang tubig kay Ma’am. Nabulunan kasi uli ako. Nakalimutan kong maga nga pala ang kamay ko kaya napaaray rin ako sa sakit. Nahulog tuloy ang baso, nabasag…

“Naku! HalleluYAH! Masyado ka namang walang ingat! Sandali lang po ah, aalisin ko lang ang mga bubog…”, tinitigan ako ni Ma’am at ngumiti siya… Lumabas si Ma’am at kumuha ng panlinis.

“Alam mo, noong bata ako, kasingtinik mo ako sa chicks… Hijo, huwag mo na pakawalan yan…”, nakangiting payo ni Tatay.

Ngumiti na lang ako at di na sumagot. Di ko naman kasi alam kung tatanggi ako o hindi.

“Anak, kumusta ka na?”, nakita kong nagbago ang emosyon ni Tatay.

“Ok naman po...”

Di kami madalas magkita ni Tatay. Malayo kasi siya ng pinagtatrabahuan. Minsan lang rin umuwi. Pero close kami ni Tatay. Kasi sa kaunting panahong kasama namin siya, ginagawa niya best niya para pasayahin kami.

“Eh kung ganoon pala eh pwede na tayong mag-chess?”

Bonding time naming ang pagche-chess… Ngumiti ako sa kanya, akmang sasamahan siya sa paglalaro ng…

“Eh paano ka nga pala maglalaro eh baldado ka?”, tumawa si Tatay…

“Di naman ako baldado eh…”, medyo inis kong paliwanag.

Ngumiti si Tatay. Alam ko na kanino ko namana ngiti ko.

“Hintayin na lang natin Ma’am mo… Siya utusan nating tumira para sayo…”

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon