“Ano naman sinabi sayo ni Ma’am Ganda?”…
Linapitan ako ni Lucio. Si Lucio ang dakilang playboy ng paaralan. Kung si Rizal ay may kasintahan sa bawat bansang napuntahan niya, si Lucio naman ay may dating nobya sa bawat section sa campus. Notorious sa kababaerohan, hindi ko alam kung anong sikreto niya at napapasagot pa rin niya lahat ng nililigawan niya kahit kalat naman sa school ang katotohanang mas madalas siyang magpalit ng girlfriend kaysa damit. Hindi pala lahat. Niligawan niya pala si Ma’am Social Science, at sa kaunaunahang pagkakataon eh nabigo siya…
“Ala lang… Nagpapatulong lang siya sa isang research work sa Apalit.”, kunwari di ko alam yung episode na yun sa buhay niya.
“Wow! Astig ka talaga dre… Alam mo naman kung gaano pinapangarap ng bawat lalaki sa school natin na maka-date si Ma’am Espera… Chance na yan! Imba ka talaga tol!”…
“Research nga di ba? Di yun date.”, pinilit kong itago na medyo pareho kami ng iniisip.
“Wew… maang maangan pa eh… Hehe… Ge, may pasok pa ako…”
“Ge”… Naisip ko, medyo tama rin siya, medyo cute naman talaga si Ma’am. Di lang pala medyo. Cute naman talaga si Ma’am… Nangiti na lang ako at tila ba na-imagine ko ang magandang mukha ni Ma’am Espera na palapit sa akin…
“Wag mo kalimutan ah. Bukas, 9:30, sa tapat ng Jollibee tayo magkita,”…
“Ah! Opo…”
Di lang pala yun imagination…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...