title of your story

14 0 0
                                    

“Pag manliligaw ka, wag mo kaagad ipakita sa babae na siya ang pinakamahalagang bahagi ng buhay mo… Sa simula eh kunwari, deadma ka sa kanya… tapos sa huli, hahabol yan!”

Naalala ko ang sinabi ni Lucio sa akin. Learn from the expert, ika nga niya. Kaya naman para mapasagot si Ma’am eh ganyan ng ginawa ko…

“HalleluYAH”, haharap na sana ako kung di ko lang naalala ang mga payo sa akin ni Lucio…

“HalleluYAH! Di mo ba ako marinig?”, medyo inis na tanong ni Ma’am… Medyo gumagana nga ata.

“Ah, eh, ayaw kitang pakinggan eh!”, medyo nakasimangot kong sagot.

“Ah? May nagawa ba ako sayong mali?”, nakikita ko kay Ma’am na medyo nainis siya sa sinabi ko. Ayos, gumagana nga.

“Marami! Lubayan mo nga ako!”, daig ko pa ang award winning actor sa pag-arte…

“Ano ba ginawa ko sayo HalleluYAH!”, galit na sabi ni Ma’am… Nainis siya… at umalis.

“Ma’am?...”, nakokonsensya ako…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon