title of your story

6 0 0
                                    

“Anak mo oh…”, nakangiti kong sabi sa Princessa. Buhat buhat ko ang sanggol na isinilang niya…

Ngumiti lang siya. “Ibigay mo siya sa akin…”, ibinigay ko sa kanya ang sanggol…

“Anak, ako ang Mama mo… matagal ka naming hinintay… Mahal kita…”

Masaya kong pinapanood ang mag-ina ko nang…

“Kuya! Pumasa ka sa Board exam!”

Narinig ko si Sarah. Si Sarah ay ang apprentice ko sa organisasyon namin ng mga Civil Engineering student. Hiningan ko siya ng pabor. Dahil may kakilala naman siya sa mga nagbigay ng test, hiningi ko sa kanya na balitaan ako. Pumayag naman siya, kaya ngayon, andito siya…

“Ah?”, nabigla rin ako… ang inaasahan ko noon eh makakatatlong take muna ako bago pumasa…

“Sabi ko, kuya, pumasa ka sa Board!”, inulit niya ang sinabi niya…

Di ako nakapagsalita… Tuwang tuwa ako. Ngumiti si Ma’am, at niyakap ko siya…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon