Wala akong gusto kay Ma’am!
Ilang beses ko bang sasabihin? Wala nga!
Oo tama, napapa-oo na lang ako bigla pag nakikita ko siyang nakangiti… Pero di ba, lahat naman eh di makakatanggi sa kanyang ganyan kaganda?
Oo tama, madalas ko siyang titigan… Pero di ba, lahat naman eh di makakatiis na titigan siya?
Oo tama, muntik na akong mamatay sa pagliligtas sa kanya… Pero di ba, kahit sino naman gugustuhin siyang iligtas?
Oo tama, gusto ko rin pala siya… Pero sino ba namang sira ulong bulag ang di magkakagusto sa tulad niya?
Wala nga akong di gusto kay Ma’am!
Ilang beses ko bang sasabihin yan sa sarili ko? Wala nga!
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historische RomaneAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...