title of your story

81 0 0
                                    

Ano kaya nakita kong yun? Pangalawa na yan… Una sa Capalangan, ngayon sa Simbahan… Ewan ba…

Naglalakad kami palabas ng gate ng maaninag ko ang mga pintuan na kahoy ng Simbahan. Ayon sa kasaysayan, ang mga kahoy na yun ay galing lang sa iisang puno. Sa punong iyon ng Asana…

“HalleluYAH”, tinawag ako ng isang boses na familiar sa akin…

Si Kuya Dennis. Sacristan ni Among. Nakilala ko siya sa visitas namin, kasama kasi ako sa mga nagse-serve sa Misa. Nginitian ko siya at sinabi niyang tawag kami ni Among…

“Ano kaya sasabihin ni Among?”, pagtataka ni Princessa…

Naglakad kami at nagpunta sa kumbento. At sinalubong kami ng masayang ngiti ni Among.

“Swerte niyong mga bata kayo. Bumisita dito si Professor Daniel Espiritu, head researcher ng Kapampangan Studies. Kung may tanong kayo tungkol sa mga Arnedo, sa imahe, o sa kahit ano pa man tungkol sa kasaysayan ng Apalit eh sa kanya kayo dapat magtanong… Expert yan…”, pagpapakilala ni Among sa maliit na lalaki.  

Pinapaboran talaga kami ng DIOS! Ngumiti si Princessa… pareho siguro kami ng iniisip.

“Good morning po… Ako naman po si Professor Princessa Espera ng Bulacan State University at narito po kami para mag-research.”, ipinakita ni Ma’am ang pamatay niyang ngiti…

“Ah, kilala kita. Isa ka ring experto sa larangan ng archaeology at culture. Nabasa ko yung article mo tungkol sa mga manlalala ng Sucad at Cansinala na nai-publish sa Monthly Journal ng Kapampangan Studies. Ang galing mo at napaka-extensive ng research mo!”

Nabigla ako doon. Taga-Sucad ako, pero di ko alam na sikat pala dati ang Barrio namin sa paglalala. At isa pa… Ganoon pala kasikat si Princessa!

“Ah, thank you po. Taga-Sucad rin po kasi ang tatay ko. Ang nanay ko naman taga-Cansinala. Kaya natural lang po na marami akong nalalaman sa mga lugar na yun”…

Ano? Tagasaamin lang mga magulang ni Ma’am?

“Ano ba ang nire-research mo ngayon, hija?”, tanong ng Professor na sa tantsa ko eh mga kwarenta na…

“Yun pong tungkol sa Singsing ng imahe ni Apu Iru.”, naging seryoso ang tinig ni Princessa…

“Ah, yun ba? Ang orihinal na Singsing eh nawala noong magkasunog… Ayon sa research ko, yung Singsing na yun ay ang kaisaisang accessory na di ipinagawa ng mga Arnedo.”

“Eh kung ganoon, saan po iyon galing?”

“Nang i-research ko yun noong 1997, nakita ko na iyon ang pinakamatanda sa lahat ng accessories ng imahe. Kung yung imahe at ibang accessories ay noong kalagitnaan pa lang ng 1800 nagawa, yun eh nagawa ilang taon pagkatapos ng pagdaong ng mga unang mananakop na kastila sa Maynilad. Kaya naman malaki ang panghihinayang ko ng mawala yun sa isang sunog noong 2002, yun kasi ang pinakamatandang Spanish Artifact na nakita sa Pilipinas”…

Gara… kaya naman pala napaka-desidido ni Ma’am na makita yun…

“May alam po kayo kung saan nagmula ang Singsing na yun?”, tanong uli ni Princessa…

“Noong simula ng 1900’s, may isang babaeng ipinagamot ang noon ay Governor Macario Arnedo sa Barrio ng Sucad. Bilang pagtanaw sa utang na loob, inialay ng asawa ng babae ang Singsing na namana pa niya sa kanyang mga magulang. Yun ang makasaysayang singsing ni Apu Iru…”

“Nalalaman niyo po ba ngalan ng lalaking iyon?”, ako naman ang nagtanong…

“Pagkakatanda ko, ang pangalan niya ay Nathanael Yanasa…”

Natigilan ako… Yun ang lolong ikinikwento ni Tatay!...

Tinitigan ako ni Princessa…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon