title of your story

26 0 0
                                    

“Bayani ho anak niyo. Dapat ho ako nakahiga diyan eh…”

Pinakikinggan ko si Ma’am habang nakapikit, kunwari tulog pa rin ako. Ayos naman ako, medyo masakit lang ang mga gasgas ko sa balikat, medyo nabali lang ang kanan kong kamay, maga ang kaliwa at may kaunting fracture ang aking tadyang. Talagang medyo nag-OA lang sina Mama at Ma’am kaya andito pa rin ako. Gusto ko ng umuwi, sawa na ako sa lutong ospital. Alang kalasalasa. Alam ko na bakit ayaw ng iba na naoospital. Kahit ayaw mong mag-dieta eh mapadidieta ka pa rin…

Di ko pa rin maialis sa isip ko yung nakita ko nung ako ay maaksidente. Nakita ko si Ma’am, na nakasuot na tulad nung mga babae na napapanood ko sa Amaya. Alam mo yun, yung costume ng mga katutubo? Ewan ba, gumana na naman hyper imagination ko…

Idinilat ko ang mata ko, sawa na akong magpanggap.

“Gising ka na pala”, sabi sa akin ni Mama…

“HalleluYAH”, tinitigan ako ni Ma’am at nangiti siya… Pero di na ganoon kalungkot… “Salamat”, nangiti na lang ako…

“Ikaw talaga! Sabi ko ng wag ka masyadong reckless!”, gumana na naman pagka-english-era ni Mama… Ngumiti rin siya pagkatapos at niyakap niya ako…

“Sa susunod mag-iingat ka ah!”, umiiyak siya…

“Opo”, ngumiti ako. Nakita ko si Ma’am, nakangiti ring umalis para bigyan kami ng oras mag-usap ni Mama…

“Girlfriend mo yun ano?”, naiintrigang tanong ni Mama…

“Di po, Professor ko yun sa Rizal…”, sumagot naman ako, na pawang katotohanan lang…

“Ano? Teacher mo na yun? Eh matanda lang ata ng kaunti sayo eh…”

“Mas bata siya ng isang taon sa akin…”

“Ah!”, di makapaniwala si Mama… Di naman talaga kasi kapanipaniwala. Ako rin nga di makapaniwala na may teacher akong ganyan kaganda…

“Pero alam mo, mukhang mabait yung Prof mong yun. Alam mo ba, di man lang siya umalis sa tabi mo noong di ka pa nagigising…”, commento sa kanya ni Mama…

Nangiti na lang ako… Mabait naman talaga si Ma’am, hindi lang halata kasi masyadong malungkot ang aura niya.

Binabagabag pa rin ako noong nakita ko nung nabunggo ako. Bakit nakita ko si Ma’am na ganoon ang suot? Gumagana lang ba uli ang hyper imagination ko, nahihibang na ba ako o may ibang dahilan pa? Ano ba meron sa singsing na yun? Ewan ba…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon