title of your story

11 0 0
                                    

“Ui, Lucio… Hihingi sana ako ng pabor…”

Di ako madalas humingi ng pabor. At lalong hindi kay Lucio. Di naman kasi ako ganoon ka-close sa kanya. At hindi rin ako ganoon ka-close sa kaninoman sa eskwela liban kay Ma’am. Naturally introvert ako, aaminin ko. Di ako ganoon ka-lapit sa ibang tao…

“Ano naman yun?”, medyo supladong tanong ng dakilang playboy ng school…

At ganoon nga ang nangyari… sinabi ko sa kanya na gusto kong ligawan si Ma’am… At sana, matulungan niya ako… kasi ala akong alam sa panliligaw.

Tinitigan ako ng matagal ni Lucio, hinawakan ang aking noo at nagtanong…

“Anong nakain mo?”, tumatawang tanong ni Lucio.

Di ako nagsalita… Medyo nahihiya rin ako eh.

“Sige ba! Di tumatanggi pagtulong ang expert. At isa pa, di rin naman ako sinagot ni Ma’am noong ako nanligaw. Sa palagay ko, ikaw, may pag-asa ka doon… malaking pag-asa…”, nakangiting tugon ni Lucio…

Nagliwanag muli ang mukha ko…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon