“Ui, chess… Lalaro po kayo?”
Dumating na rin sa wakas si Ma’am. May dalang basahan, dustpan, basurahan, at walis. Naka-apron pa siya kaya natawa ako sa itsura niya.
“Sana nga po Ma’am… Kaso…”, di ko na naituloy sinasabi ko kasi nagsalita si Ma’am…
“Kaso di mo magamit mga kamay mo? Eh ako na muna magiging kamay mo…”, tinitigan ako ni Tatay. Isang napakamalisyosong ngiti ang nakita ko sa kanya.
“Oh tara at laro na tayo… Bago pa magbago isip ng anak ko…”
“Teka po, lilinisin ko lang to…”
Habang naglilinis si Ma’am, tinititigan ko siya. Napakaganda pala niya pag naglilinis at naka-apron. Bigla naman akong siniko ni Tatay, sabay bulong sa akin…
“Baka siya matunaw…”, medyo namula ako… Tiningnan ko na lang si Tatay sa pag-aayos ng chessboard.
“Oh tara HalleluYAH… Ano move mo?”,
Si Ma’am nga ang naging kamay ko. Pero kung tutuusin, mukhang mas magaling siya sa akin. Panay comment kasi siya sa mga moves ko, kesyo masyado raw reckless at napakadependent sa queen. Kaya naman ng mawala ang Queen ko, susuko na sana ako pero sabi ni Ma’am…
“Wag muna. Ang pagkawala ng Queen eh hindi pa katapusan ng laro. Hangga’t di pa tapos ang laro, may pag-asa pa… Laban lang HalleluYAH!”, nginitian ako ni Ma’am… Di ko alam pero parang hindi lang ang laro ang iniisip ni Ma’am. May kung ano kasi akong nakikita sa mata niya na di ko alam kung ano…
“Opo Ma’am”, sagot ko, nakangiti rin.
“Ano, magsesenti na lang kayo o lalaro kayo?”, nakatawang tanong ni Tatay.
“Lalaro po!”
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...