Dahil thesis na lang naman ang kailangan kong tapusin para makapagtapos, mas natutuunan ko ng pansin si Ma’am at ang pagta-trabaho ko. Kumuha kasi muna ako ng trabaho sa isang malapit na gas station. Medyo mababa lang ang sweldo, pero sapat naman para sa pang-araw araw namin… Nagta-trabaho rin si Ma’am, bilang teacher, kaya naman overall, medyo hindi naman naging masyadong mahirap ang pagiging mag-asawa namin…
Napakabait na asawa ni Ma’am. Sa bagay, mabait na tao naman talaga siya. Medyo may kasungitan lang nitong nakaraan… ewan ko ba kung bakit…
Nung nakaraang linggo, naghahanap siya ng pakwan. Nang makakita ako, ayaw na raw niya. Gusto naman niya eh ibili ko siya ng Mangosteen. Edi binili ko siya… kaso pagkatikim nya nito, nagalit pa siya. Wala na raw siyang gana sa mga prutas na yun kasi raw masyadong maasim. Tinikman ko ang mga mangosteen, di naman ganoon kaasim eh… Naubos ko yung isang kilo ng mangosteen, nasasayangan kasi ako… Kaso ng maubos ko na yun, nagbago siya ng isip, at hinanap yung mga mangosteen na ibinigay ko sa kanya. Eh paano ko ba maibibigay eh nakain ko nga? Nagalit uli siya…
Ewan ba, di ko siya maintindihan… Umalis siya at nagpunta na lang sa eskwelahan… la na raw siya sa mood eh…
“Mama, ano ba nangyayari kay Princessa?”, tanong ko kay Mama matapos ko ikwento lahat ng nangyayari kay Ma’am…
“Aba eh, hindi ko alam… wala ba siyang sinasabi?”
“Ala eh… Pasumpongsumpong siya eh…”
Hindi ko alam kung ano biglang naisip ni Mama… pero bigla siyang nangiti…
“May naganap na ba sa inyo?”
Namula ako… Tinanong talaga ako ni Mama ng ganoon? Tumango na lang ako, di ako nakapagsalita…
“Pustahan tayo, buntis yan…”
Ano? Tatay na ako?
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...