“Ma, aalis na po ako…”
“Aber, saan ka naman pupunta?”, tanong ni Mama… Si Mama ang tipo ng tao na kailangan mong sabihan ng lahat ng gagawin mo. Papayagan ka naman niya, wag ka lang magpapaalam na magpapatiwakal ka o magpapaka-bangag sa droga…
“Ah, sa Parokya po”, ayaw ko sanang sabihin na si Ma’am ang kasama ko, baka di ako payagan…
“Ah, ngayon ba yun? Ipinagpaalam ka na ng ‘Prof’ mo”, kakaiba ang pagkakasabi sa salitang “Prof”. Tumawa si Mama at medyo namula ata ako…
“Nagpaalam po siya?”, namumula pa rin ako…
“Oo, ang bait nga noon eh… Sabi niya pa nga eh hahawakan ka raw niya para di ka lumipat sa daan. At di rin daw siya lilipat sa daan ng wala sa sarili.”, tumawa ng malakas si Mama… Lalo akong namula…
“Mano po Ma… Alis na po ako”, gusto ko nang takasan pang-aalaska ni Mama…
“Sige, wag ka magpapasagasa ah!”, tumawa uli siya…
Mabilis akong nagpunta sa sakayan ng tricycle…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Fiction HistoriqueAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...