“Nasaan si HalleluYAH?”, tanong ni Ma’am…
“Ah, eh, ala po, nagkabulutong… Isang linggo rin ho siguro siyang aabsent…”, sagot ni Filipinas, pinakamatalino sa klase namin.
“Ah ganoon ba?”, kapansin pansing lumungkot si Ma’am. Tapos bigla uling nagbago ang emosyon niya at ang nakita na lamang ay ang simangot na dulot ng pagkainis.
“Ok class, our lesson for today is…”
Hindi pa man nag-iintroduce ng lesson si Ma’am ay may interruption na kaagad. Sa pintuan, may isang lalakeng nakatayo, naka-uniform ng LBC, nakasumbrero, naka-shades, at may dalang papel na kulay pula.
“Ah, andyan po ba si Ms. Princessa Espera?”, tanong ng delivery boy.
“Ah, ako po yun. Ano po kailangan niyo?”, nakangiting pagpapakilala ni Ma’am.
“May sulat ka kasi galing sa isang lalaking nagngangalang HalleluYAH Yanasa. May nakikilala po ba kayong ganoon ang ngalan?”
Medyo namula si Ma’am. Hindi na siya sumagot at tumango na lang siya.
Tumili ang buong klase pagkaabot sa sulat. Mula sa mga estudyante, may isang biglang humirit at sumigaw…
“Bubuksan na yan!”
Ngumiti si Ma’am. Dahan dahan niyang binuksan ang pulang sobre… May laman pala itong maliit na speaker at ito ay nagsalita…
“Sorry ah… Sabi kasi sa akin ni Lucio kung gusto ko raw mapansin mo ako, wag kitang papansinin. Yun, ginawa ko. Kaso medyo napasobra ata ako. Patawad Ma’am! Kaya ngayon, para mapansin mo ako, para mapansin mong may gusto talaga ako sayo at nililigawan na kita ng pormal, kinausap ko ang mga classmate ko na bigyan ka ng tig-iisang white tulip. Pero minalas ako at nagkabulutong. Yun tuloy, di ko maririnig kung basted ba ako o hindi. Kaya naman pakikuha na lang sa kanila ang mga white tulip at pakisabi na lang sa delivery boy kung basted ba o hindi…”
Doon, nagsitayuan ang mga classmate ko at ibinigay ang mga bulaklak. Namula naman si Ma’am habang kinukuha ang mga ito.
“Pero Ma’am, ano po ba sagot niyo?”, tanong ni Lucio…
Ngumiti lang si Ma’am…
“Di naman po namin sasabihin eh…”, maintrigang tanong ni Filipinas.
Di nagsalita si Ma’am. Pero makikita sa mata niya na masaya siya. Lalong nangulit ang mga kaklase ko kaya sa huli, nagsalita siya.
“Ok, class. Eh ganito kasi yun. Gusto ko sana, medyo tumagal tagal muna manligaw si HalleluYAH… Basted na muna siya ngayon.”
“Pero may gusto rin po kayo sa kanya? Ihh!”, hirit ng isa naming classmate…
Di uli sumagot si Ma’am… Ngumiti lang siya… Tumili ang mga siraulo kong classmates…
“Gusto pala eh matagal muna akong manligaw ah…”, inialis ko ang aking sombrero, shades at LBC jacket. Tumili ang mga siraulo kong kaklase…
“Kanina ka pa nakikinig?”, nabiglang tanong ni Ma’am…
“Opo, Ma’am…”, ngumiti ako…
“Hala, pinagloloko mo ako ah… Singko ka HalleluYAH!”, kunwaring inis na sagot ni Ma’am…
“Edi ayos, isang taon pa po uli kita kasama…”
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...