“Among, sino po ba tunay na may-ari ng imahe ni San Pedro doon sa Capalangan?”, mausisang tanong ni Ma’am.
Si Among Olet ay ang kasalukuyang pari sa Apalit. Maayos niya kaming tinanggap at pinakain pa nga kami. Taga-dito rin daw siya, at dati na siyang naglalaro sa tapat ng simbahan. Isang napakagandang pangyayari na ngayon, siya na ang nagmimisa sa simbahang dati lang niyang palaruan at pinagdadasalan.
“Ang imahe ay di naman talaga pag-aari ng simbahan. Ito ay isang pribadong pag-aari. Heirloom ito ng mga Arnedo, doon sa Sulipan…”
“Ah, ganoon po ba? Eh yung mga accessories po niya?...” usisa ni Ma’am.
“Alam ko eh yung mga accessories, yung tiara, pectoral cross at saka yung damit eh pag-aari din ng mga Arnedo… Pero yung singsing…”
“Kanino po yung Singsing?”, mabilis na tanong ni Ma’am…
“Di ko alam. Ang alam ko lang, inialay yun ng isang mamamayan sa mga Arnedo bilang pagtanaw ng utang na loob.”
“Ah, ganoon po ba?...”
May nagbago sa titig ni Ma’am. Parang noong nasa Capalangan kami… Ngumiti siya sa mabait na pari, nagpaalam at nagpasalamat uli…
“Alis na kayo kaagad? Ayaw niyo munang mag-kape?”…
Hihindi na sana si Ma’am kung di lang ako sumagot…
“Sige po…”
Di ako tumatanggi sa kape!
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...