title of your story

10 0 0
                                    

“Ui, HalleluYAH!”

Di ko alam pero sa panahon yun, para akong lumilipad sa langit. Ang marinig ang ngalan ko mula sa kanya ay isang bagay na gusto kong mangyari araw araw. Lumingon ako at nakita ko siya, nakasimangot…

“Bakit po Ma’am?”

Ano ba naman? Gusto kong itanong kung bakit nakasimangot na naman siya. Pero mas maganda pala siyang nakasimangot kaya in-enjoy ko na lang ang sight…

“Di ba na-late ka noong huli? Akala mo ba eh mapapatawad ko kaagad yun porke nailigtas mo buhay ko? Aba eh, nagkakamali ka doon. At isa pa, pinagloloko mo ako kanina. Kailangan mong pagbayaran ang lahat ng yun…”, nangiti na naman siya. Para talagang may naaninag akong sungay na sumusulpot sa ulo niya.

Accelerated nga siya, pero bata pa rin… natawa ako sa sinabi niya…

“At ba’t ka natatawa?”

“Ala lang po Ma’am… Ano po ba maipaglilingkod ko sa iyo?”… nangiti ako…

“Tulungan mo uli ako, this time, sa Parish Church naman ng Apalit. Wag ka magpa-late ah… 8:30, Sa Jollibee uli tayo magkita…”

“Yes Ma’am! Di na ako magpapa-late…”

Natawa siya…

Excited ako!

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon