title of your story

72 0 0
                                    

“See you in my office after class, Mr. Yanasa. I have something to tell you”…

Yan ang pambungad na instruction ni Ms. Social Science sa akin. Siya ang teacher namin sa subject na Rizal. Lagot, ano naman kaya ipapagawa sa akin? Dalawa lang naman kasi ang dahilan kung bakit ipapatawag ako ni Ms. Social Science eh… It is either I did something wrong or she has something for me to do. At as far as I am concern, la pa akong ginagawang kabulastugan nitong nakaraang linggo. Meron pala… Paano kung nalaman niya pala na ako yung nakasira dun sa globe niya na regalo daw sa kaniya ng ninong niyang doctor? Pero hindi siguro. Buo na kasi ang pasya niya na yung German Shepherd ng security guard ang nakabasag dun. Asucena na sana yung asong yun kung di lang advocate ng PAWS si Ms. Social Science. Ewan, ba’t ko ba pino-problema ang dahilan ng pagpapatawag ni Ms. Social Science? Basta, handa na lang ako, and hope for the best and expect the worse…

“Ma’am, andito na po ako”…

“Pasok ka, HalleluYAH”…

Pumasok ako. Mabait si Ma’am… Bata pa, maganda, balingkinitan at maamo ang boses. Accelerated eh, decinueve anyos pa lang daw… mas matanda pa ako ng isang taon… Pero di mo makikitang masaya… Humarap siya sa akin, at ngumiti siya… isang ngiting napakaganda pero nababalot ng kalungkutan…

Sa kanyang mesa, nakasulat ang mga katagang “Ms. Princessa Espera, PhD”. Napakabata niya para maging Doktor. Nagsalita siya uli…

“Taga-Apalit ka rin di ba?”...

Taga-Apalit rin si Ma’am? May “rin” eh… Pero di ko siya nakikita doon.

“Opo, bakit po Ma’am?”

“Ah, may gusto lang akong ipakiusap. May kailangan kasi akong i-research doon. Alam mo yung Singsing ni San Pedro sa Capalangan? Yun… Pwede mo ba akong tulungan?”

Actually, ala akong alam tungkol sa singsing ni San Pedro sa Capalangan. Pero ngumiti uli si Ma’am… Doon na nasira ang lahat… Ang nasabi ko na lang…

“Opo Ma’am”…

“Good”, ngumiti uli si Ma’am…

Patay tayo diyan! Ako, si HalleluYAH Yanasa, Civil Engineering Fifth Year student, ay pupunta sa Capalangan para mag-research ng History! Gara!

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon