Pagkatapos ng pang-i-interview namin kay Professor Espiritu, umuwi na muna kami… Habang naglalakad kami papunta sa daan…
“So, sa simula pa lang pala eh dapat tinanong na kita?”
Nakangiti si Princessa… Eh malay ko ba na pag-aari pala talaga ng pamilya namin ang singsing na yun… Ala akong gaanong alam sa history, kaya nga engineering kinuha ko eh…
“Ano ba talaga pakay mo sa singsing na yun?”, nakatawa kong tanong…
Tinitigan ako ni Princessa… Nagkwento siya…
“Noong unang panahon, may mag-asawa na di magka-anak. Lahat ginawa na nila, sumayaw sa Binondo, nag-novena sa Quiapo, nagpagamot sa pinakamagagaling na doctor sa bansa… pero di pa rin sila nagka-anak…
Isang araw, naisip nilang pumunta sa may Capalangan para humingi ng tulong sa Prinsipe ng mga Apostoles. Pagdating na pagdating palang nila doon, nakita na nila ang imahe ng mangingisdang tumangis pagkatapos ng pagtilaok ng manok…
Hiniling ng babae ang isang anak. Kuminang ang singsing… At pagkatapos ng siyam na buwan, isinilang sa kanila ang isang sanggol na babae…
Naging maligaya sila… hanggang isang araw…
Na-diagnose na ang anak ay may cancer sa utak… at di magtatagal ay babawiin din siya…”
Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng emosyon ni Princessa. Natigilan ako at sinabi niyang…
“Umiiyak ka? HalleluYAH?”…
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Naiintindihan kong siya ang anak na tinutukoy niya sa kwento… Doon ko pa lang napansing panipis ng panipis ang buhok niya…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...