“Hindi ganoon!”, malakas na sigaw sa akin ni Lucio…
Eh paano ba? Ngayon pa lang ako manliligaw. Ala pa akong dineadmang babae sa buhay ko. Oo, tama, ang nanay ko eh babae, pero di ko naman siya kailangang deadmahin para habulin niya ako. At isa pa, ba’t ba kasi ako naging ganoon katanga at ginawa ko ang payo ni Lucio kahit alam kong wala matino sa kanya? Eh magaling siyang manligaw, pero hanggang doon lang, kasi ibine-break din siya kaagad ng babae matapos ang isa o dalawang araw.
“Hay naku, kailangan mong suyuin si Ma’am. Eh sobra naman kasi ginawa mo eh…”
Di na lang ako nagsalita. Pero dito sa puntong to, tama si Lucio. Kailangan ko talagang mag-sorry…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...