“Ihh! Naka-date niya si Ma’am Espera…”
Umandar na naman ang pagkaalaskador ng mga siraulo kong kaklase. Mula ng magbalik-eskwela ako noong lunes, inuulan na ako ng mga pang-aalaska ng mga kaklase kong walang magawang matino. Kesyo crush ko daw si Ma’am Espera, kesyo nag-date daw kami sa Capalangan, kesyo kilala na raw siya ni Mama… Ewan ba.
“Di nga kami nag-date ni Ma’am!”
Kung sanlibong beses lang eh nasabi ko na mga katagang yan. Pero wa effect… Di ba sila nakakaintindi?
“Good Morning Class”, hayan na… Si Ma’am…
Kapansin pansin na mas masaya ang ngiti ni Ma’am ngayon. Nakaka-magnet ng mata. Di na ako nakasabay sa good morning ng mga classmate ko kasi busy ako sa pagkilatis sa mata ni Ma’am.
“Ok ka na HalleluYAH?”, pigil ang tili ng mga siraulo kong classmate…
“Opo Ma’am!”, sagot ko sa kanya. Medyo nahihiya pa rin ako dahil sa pagka-late ko.
“Nice… Salamat nga pala ah”, ngumiti si Ma’am. Natuwa ako… Ewan ko ba… natuwa lang ako…
“Ok class, our lesson for today is…”
Di ko marinig sinasabi niya. Busy akong pagmasdan ang mukha niya…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...