“Papa, maganda po ba si Mama?”
Mabait na bata si Princessa… Bata pa lang siya, pero napakaayos na niyang magsalita… Matalino… Pareho sila ng Mama niya…
“Oo, ang nanay mo ang pinakamagandang babaeng nakita ko… at ang pinakamatalino rin… at pinakamabait…”
Ilang taon na rin ng mamatay si Ma’am. Pero masaya ako at siya ang pinakasalan ko. Maaga akong nabalo, pero ok lang. Yung mga araw na kapiling ko siya, napakasaya ko. Alang ala ang kalungkutang dama ko ngayon sa ligaya ko noon…
Nakatulog siya… natulog na rin ako…
“HalleluYAH”…
“Ma’am?...
“Princessa nga di ba?... Namatay na ako at lahat lahat, makulit ka pa rin”, ngumiti siya, pero ala ng kalungkutan sa ngiti niya…
“Opo Princessa, sabi mo eh…”, sumagot ako, nakangiti rin…
“Alagaan mo anak natin ah?”
“Opo Ma’am…”
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...