Sobrang saya ko talaga…
Biruin mo yun, kakapanganak ng asawa ko. Babae… isang napakagandang bata. Tuwang tuwa ako. Tapos, dumating pa ang apprentice ko. May dalang good news sa akin. Isa na akong tunay na Civil Engineer!
Kinuha ko ang bata kay Princessa. Ngumiti siya, sabay sabing…
“Mahal kita…”, gumagana na naman ka-corny-han ni Ma’am… Ngumiti rin ako at sumagot…
“Mahal rin kita…”
Hawak ko ang sanggol. Sabik na sabik ako sa aking anak. Gusto ko siyang dalhin sa lahat ng sulok ng mundo! Gusto ko siyang dalhin sa lahat ng magagandang lugar sa planeta. At siyempre, sa mga pangarap kong yun, kasama namin ang Princessa. Si Ma’am na pinakamamahal ko, ang anak naming dalawa, at ako, magkakasamang magiging maligaya sa mundong ito.
Humiga ako sa tabi ni Princessa, nakapagitna sa amin ang bata… Unti unti, nakatulog ako…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Ficción históricaAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...