Iminulat ko ang mga mata ko… Ala ako sa simbahan… Nasaan ako?
“Ginoo?”
May narinig akong nagsalita…
“Buti gising ka na. Tatlong araw ka ng tulog.”, sabi ng tinig. Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako…
“Ma’am, este, Princessa?”,
“Sino naman yun? Ginoo, halatang di ka tagarito, iba ang suot mo…”
Tinitigan ko ang damit ko. Di ito ang suot ko kanina! Bakit may espada akong dala… at Biblia?
“Teka, nasaan ba talaga ako?”, tanong ko na medyo nagtataka. Sino ba naman kasi di magtataka sa nangyari sa akin?
“Naririto ka sa aming tahanan. Sa paanan ng dambuhalang puno ng Asana…”
Tumingin ako sa labas… Tama siya. May dambuhalang puno…
Teka teka, alam ko ano yun… Asana, Asana, saan ko nga ba narinig yun?…
Oo tama… Ang Asana ay halaman, tinatawag rin tong Narra at ang katumbas sa kapampangan ay…
“Apalit”…
“Tama… Alam niyo naman po pala eh…”
Kung ganoon, tama ako ng kutob? Kung nasa paanan ako ng isang dambuhalang puno ng Asana, ibig sabihin, nasa Apalit pa rin ako…
Nasa Pre-Hispanic Apalit ako!
“Princessa, paano tayo napunta rito?”, tinanong ko si Ma’am na nakasuot pa rin ng costume ng mga katutubo…
“Di Princessa pangalan ko… Ang ngalan ko ay Yanasa”,
“Ano?”, unti unti na namang nanlalabo nakikita ko…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Fiction HistoriqueAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...