Nakatayo ako sa tapat ng altar. Kinakabahan ako. Nandito ang mga kaklase ko, mga Prof, mga kamag-anak… Halos walang ngang klase ang College of Engineering at Social Science dahil sa kasal namin ni Ma’am. Lahat naririto, nakasuporta sa pag-iisang dibdib namin.
Di ko nga inaasahan na pupunta sila. Pagka-abot ko kay Dean dun sa invitation, nakahanda na akong ma-lecture-an sa kahalagaan ng pagiging responsible. Pero hindi ganoon ang nangyari., congrats pa ang natanggap ko sa kanya. Masaya daw siya para sa amin, sabi pa niya eh matagal na raw niya kaming pansin. Basta’t tapusin ko lang daw ang kurso ko… Sayang naman kasi dahil isang sem na lang layo ko sa Graduation…
Nandito ang mga classmate ko… Sobra nga raw inggit sa akin ni Lucio eh. Pero tanggap naman raw niya na wala siyang ka-appeal appeal kay Ma’am. Nag-volunteer pa nga siya na maging Bestman. Pumayag ako, ala naman talaga akong pake sino maging bestman ko…
Andyan na siya!
Habang nakatitig ako sa kanya…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...