Tuwang tuwa ako sa mga pangyayari… pero bigla akong may naalala…
“Di kaya yan makakaapekto sa Cancer mo?”, nangangamba pa rin ako…
“Di naman siguro…”, nakita ko sa mata ng Princessa na natatakot rin siya.
Oo, tama, gusto kong magka-anak. Pero, si Ma’am? Ayaw ko namang mapahamak siya dahil sa pagbubuntis niya.
“Hoy… Natigilan ka na naman… Wag ka ngang matakot…”, pagchi-cheer sa akin ni Ma’am.
Paanong di ako matatakot eh baka may masamang mangyari sa iyo? Ganoon ang naisip ko. Di na lang ako nagsalita, la rin naman akong maisagot na matino…
“Huwag kang mangamba… Di kita iiwananan… Maniwala ka…”, in-assure ako ni Ma’am…
Ngumiti na lang ako… “Pangako?”
“Pangako…”
Nangako ka ah…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...