title of your story

17 0 0
                                    

“Kain ka na muna, HalleluYAH…”

Talagang ayaw umuwi ni Ma’am. Kanina pa siya pinipilit ni Mama na umuwi muna para magpahinga. Pero ayaw niya eh. Hihintayin na raw niya akong gumaling ng tuluyan bago siya umalis. Halos apat na araw na niya akong binabantayan… Nawawala lang siya sa tabi ko pag pumapasok siya sa paaralan.

“Ah eh, busog pa po ako…”, sumagot ako na medyo nahihiya…

Feeling ko di niya ako narinig. Ikinuha pa rin kasi niya ako ng pagkain kahit sinabi kong wag na.

“Oh, ikinuha na kita ng pagkain… Kain na HalleluYAH…”, ngumiti si Ma’am. Napilitan tuloy akong kumain.

Paano nga pala ako kakain? Hindi pa rin kasi ako makakain ng mag-isa. Try mo kayang kumain na bali ang isang kamay at maga naman ang isa dahil sa bugbog at sugat. Aba eh, mahirap talaga. Ang totoo niyan eh pinapakain lang ako ni Mama kaya di pa rin ako namamatay sa gutom…

Tinitigan ko si Ma’am. Nakapansin siguro…

“Ah! Oo nga pala… Paano ka nga pala kakain eh di pa pwedeng gamitin dalawa mong kamay?”, tumawa si Ma’am. Medyo sumimangot ako na para bang na-insulto.

“Halika na nga… Subuan na kita, Kuya…”, ngayon ko lang siya narinig na tawagin akong Kuya. Lumapit ako, at sinubuan niya ako…

Di ko alam pero masaya ako. Nakatitig ako sa kanya habang pinapakain niya ako. Napangiti na lang ako at sinabi kong…

“Salamat po Ma’am…”

Ngumiti siya uli. “Pwede mo alisin yung po… La tayo sa School”…

“Sige po Ma’am, este, sige, Ma’am…”, natatawa kong sagot.

Tumawa siya. “O siya, kain ka na muna…”…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon