title of your story

38 0 0
                                    

Nagising ako. Napatingin ako sa oras… Alas diyes y media na!

Binilisan ko ang pagbibihis, nagwisik na lang ako at di na ako naligo, nagmamadali ako… Sigurado, galit na si Ma’am Espera…

Bakit ba kasi ngayon pa ako tinanghali ng gising? Dati naman eh maaga ang gising ko at nakakapasok ako ng maaga. Ngayon pang may importanteng lakad,

ngayon pa talaga ako hindi nakabangon sa oras. Sumakay ako sa tricycle at nagdasal na sana, ala pa rin si Ma’am at na-late rin siya.

Hindi natupad ang panalangin ko. Pagkababang pagkababa ko, nakita ko si Ma’am, nakasimangot. Nilapitan ko siya at tiningnan niya ako ng masama…

“Late ka”…

Di ako nakapagpaliwanag. Wala akong maisip na paliwanag na katanggaptanggap…

“Bilisan mo… Baka abutin pa tayo ng gabi”…

Sumunod na lang ako… Eh ano pa ba magagawa ko? Badtrip si Ma’am eh. Baka lalong magalit pag nagsalita pa ako.

Sumakay kami ng tricycle pa-Capalangan… Umupo ako sa likod ng driver. Nahihiya ako kay Ma’am at ayaw kong umupo sa tabi niya sa loob ng tricycle…

Hindi ko alam, pero habang nakasakay ako doon, feeling ko may binabalikan akong kung ano. Pero di ko alam kung ano yun. At di ko rin alam kung bakit nararamdaman ko yun…

“Para po”…

Bumaba kami. Nandito na. Ang sikat na Shrine of St. Peter, The Prince of the Apostles. Agad naman kaming sinalubong ni Ka Toto na siyang camadero doon. Kwentuhan muna, tanungan, kumustahan… Nagkataong ito palang si Ka Toto eh kamag-anak ni Ma’am! Swerte… Dahil doon, mabilis niya kaming pinapasok sa shrine at nakita namin ang imahe ni San Pedro.

Hindi ko alam ano meron doon pero may kakaiba akong nararamdaman. Nasa pinto pa lang eh tanaw na tanaw ko na ang imahe ng malaking mangingisda. Medyo puti siya doon, sabi ko pa nga eh parang di siya yung mangingisdang nakalagay sa Bible. Masyado siyang maputi. Di naman kumibo si Ma’am, tila ba may hinahanap siya. Ilang segundo ang lumipas, binasag niya ang katahimikan…

“Manong, asan ho yung original na Singsing ni San Pedro?”

Naalala ko, yun nga pala ang ipinunta namin doon. Umiling si Ka Toto.

“La na yun… Noong 2002, nasunog ang shrine. Nasira yung singsing, kasama pa yung pectoral cross at saka yung mga original na susi. Himala nga at naligtas pa ang imahe eh” , sagot ni Ka Toto.

“Eh yung Singsing po, asan na?”, talagang desidido si Ma’am sa paghahanap ng singsing na yun. Ano ba meron doon sa singsing at hanap siya ng hanap?

“Yung pectoral cross at saka mga susi eh nakita, medyo natunaw nga lang, nasira… Pero yung singsing… isa pa ring misteryo nasaan yun…”, natigilan si Ma’am. Wala pala kaming pinuntahan… Gusto ko tuloy sabihin kay Ma’am na dapat nagre-research muna siya bago siya pumunta sa site dahil baka ala rin siyang mapala, gaya ng nangyari ngayon. Pero naalala kong may kasalanan rin ako sa kanya, na-late ako, kaya di na lang ako kumibo…

“Ah ganoon po ba? Pasensya na po sa abala”… Nakita ko na naman ang malungkot na ngiti ni Ma’am…

Lumabas kami. Tinanong ni Ka Toto kung ayaw naming makita yung ibang mga accessories na nasira noong nakaraang sunog. Magalang namang tumanggi si Ma’am, talagang yung singsing lang ang pinuntahan niya… Naglakad siya palabas, tumawid sa daan… Ng biglang…

“Ma’am!”

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon