Ala na ang orihinal na singsing. Nasunog na. Apat na daang taon kaming naghintayan ni Princessa. Ng magkita na kami, di pa rin nalubos ang kaligayahan. Palaging may nakaharang sa pagitan naming dalawa.
Pero masaya ako… Ipinagpapasalamat ko na ng malaki sa DIOS na minsan nakasama ko siya. Umaasa akong kahit ala na ang singsing, magkakasama pa rin kami. Hindi ko lang alam kailan… kung papano… at saan. Siguro, sa lupa uli, gaya ng nangyari sa buhay namin ngayon. O kaya naman eh sa paraiso na ang susunod naming pagkikita. Doon sabay kaming magpupuri sa DIOS sa Kailanpaman…
Alam ko sa sarili kong magkikita kami… Alam ko… Nangyari na rin kasi yun dati… Nagkita uli kami…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...