title of your story

12 0 0
                                    

“Mga Classmate! Kailangan ko ng tulong!”

Yun ang kaunaunahang beses kong hiningi ang tulong ng lahat ng classmate ko. Di ko naman kasi sila ganoon ka-close. Minsan ko lang sila kausapin at di talaga ako sumasama sa mga gimik nila. Pero sa pagkakataong ito, kailangan eh, para kay Ma’am…

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng naganap. Natural, back-up ko si Lucio. Siya ang tagalinaw dun sa parting napakatanga ko at masyado akong masama dahil pinaiyak ko si Ma’am. Ang totoo niyan, gusto ko siyang sapakin habang nagsasalita siya sa harap kaso kailangan ko siya. Kailangan ko siya ang popularidad niya para makahingi ng tulong.

Medyo maaasahan naman pala mga classmate ko. Alaskador sila, pero sa mga ganyang uri ng surpresa para sa pag-ibig, magaling sila. Ilang minuto lang eh may plano na sila… Kinabukasan… naihanda ang lahat.

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon