“Hindi ko alam kung ano PO ang dahilan at maaga NIYO akong kukunin sa kanya. Bata pa PO si HalleluYAH, at di ko alam anong mangyayari sa kanya pagkatapos kong lumisan. Pero ganoon man, alam ko POng hindi NIYO siya pababayaan, na hindi NIYO siya tatalikuran… Siyang ala nang kakampi maliban sa INYO…
Alam NIYO PO na sa simula eh wala akong nakitang maganda sa kanya. Simpleng mag-aaral… mabait na bata… di ganoon katalino. Pero dahil sa pagkakataong ibinigay NIYO sa amin para makita ang isa’t isa… nabukas ang mata ko, at nakita ang kagandahan ng kanyang loob at kadalisayan ng kanyang kaluluwa…
Alam NIYO PO kung gaano ako natakot ng mabunggo siya dahil sa pagliligtas sa akin. Alam NIYO PO na kinabahan ako nang sabihin sa akin nung classmate niya na nabunggo siya uli, ng truck… at alam NIYO PO na nalubos ang aking pagdadalamhati ng sabihin sa akin na nahuli na ako… at papaano akong nakahinga uli ng malamang kong gimik niya lang yun para mapa-oo ako sa marriage proposal niya…
Alam NIYO PO na sa bawat segundong kasama ko siya, nawawala ang pangamba ko sa nalalapit kong kamatayan… Alam NIYO PO na sa bawat segundong kasama ko siya, nadaragdagan ang aking lakas ng loob na humarap sa kamatayan, pagkat alam ko sa loob loob ko na nabuhay ako ng mahusay, at masaya…
Alam NIYO PO gaano ako kasaya ng malaman kong magkakaanak kami, kahit pa alam kong maaari kong ikamatay ang bagay na yun…
Alam ko POng di NIYO siya hahayaan.
Salamat PO…
Ligaya quing IBPA, ampon quing ANAK, ampon quing ESPIRITU SANTO… Antimo ing sadya RAng Ligaya, ibat king Kamumulan, Ngeni’t Kapilanman, Angga na quing Alang Angga… Yanasa…”
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...