“Anak, may bisita ka…”
Naku… isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sa ospital. Sa mga dalaw mo, daig mo pa ang nakaselda o nakaburol… Kanina lang andito mga classmate ko, nangungumusta raw. Kung alam ko lang, di naman talaga ako pinuntahan nila. Matapos nila kainin ang mga peras na ipinadala sa akin ni Ma’am, umalis sila at nagsabing magpagaling daw ako. Paano ba naman ako gagaling eh inuubusan nila ako ng pagkain? Gara…
Sino naman kaya ang mga itong padating. Sinabi ko kay Mama na itago muna yung pakwan na kasama nung mga peras na ibinigay sa akin ni Ma’am… baka madisgrasya uli…
“HalleluYAH…”
Alam ko ang tinig na yun. Si Ma’am…
“Kasama ko Nanay at Papa ko…”…
Ano raw? Sino daw kasama niya? Nanay at Papa?
“Ah, hijo, ako nga pala si Reynaldo Espera, papa ni Princessa. Tapos heto naman ang asawa ko, si Maria Espera.”
Tama ako ng dinig, mga magulang nga ni Ma’am ang mga ito…
“HalleluYAH… Nandito sila kasi gusto nilang magpasalamat sa iyo. Sa pagliligtas mo sa akin”, ngumiti si Ma’am…
“Ala po yung anuman. Kahit sino naman, gagawin yun”, ngumiti ako at tinitigan ko sila.
Nagkwentuhan kami. Marami rin akong natutunan tungkol kay Ma’am. Ang paborito niyang bulaklak ay tulip. Mahilig siya sa white. Nalaman ko ring nag-iisang anak siya at matagal siyang hinintay. Medyo naging emosyonal ang Nanay ni Ma’am pagkasabi dun. May sasabihin pa sana siya ng…
“Nay, may klase ako ngayon…”, dama ko sa boses ni Ma’am na di lang yun ang dahilan at gusto niyang umalis.
“Sige anak… Aalis na rin naman kami…”,di na itinuloy ng Nanay ni Ma’am ang sinasabi niya…
“Ingat ka… HalleluYAH.”, nangiti si Ma’am at pansin kong di siya ganoon kasaya…
“Salamat uli”, pagpapaalam ng Nanay ni Ma’am…
“Wag mong paiiyakin anak namin ah…”, tumatawang paalam ng Papa ni Ma’am…
“Pa!”, medyo iritableng sagot ni Ma’am…
Teka nga muna? Ano? Wag ko raw paiyakin ang anak nila?
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
HistoryczneAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...