title of your story

8 0 0
                                    

“Ah, HalleluYAH, pasensya na kanina ah…”

Di rin nakatiis si Princessa na di ako kausapin… Nangingiti ako… Isa pa, naaalala ko sinabi ni Mama kanina…

“May nadarama ka bang kakaiba?”

“Gaya ng alin?”

Tinanong ko siya kung nagka-dalaw na ba siya, kung sumasakit ba ang ulo niya, kung nasusuka ba siya minsan… sa una eh naaasiwa siya sa mga tanong ko… pero sa  huli, sumagot rin siya…

“Teka, ngayong naitanong mo yan, di pa nga ako dinadatnan ng buwanang dalaw ng halos isang buwan na. At madalas sumakit ang ulo ko at magsuka… di kaya?...”

Inilabas ko ang pregnancy test kit na nahingi ko kanina kay Ate Janneth sa Clinic. Mali, di pala nahingi, nakuha… Malaki ang paghihirap ko makuha lang ang bagay na yan… Nakipag-agawan pa ako sa mga ibang mother to be makuha lang ang pregnancy test kit na yan… Galit na galit pa nga sa akin yung asawa noong isa sa kanila, buti at nakaalis ako bago siya mag-aya ng suntukan. Kaya naman kailangan talaga, positive ang reading, para di mabalewala ang mga paghihirap ko…

Mabilis na kinuha sa akin ni Princessa ang kit… ilang minuto ang lumipas, bumalik siya, tumatakbo at sumisigaw…

“Hey, wag ka ngang tatakbo dito, para kang bata...”

Ngumiti siya sa akin… sabay sabing…

“Buntis ako!”…

Tatay na talaga ako!

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon