“Hoy! Ba’t ka natigilan diyan?”
Nakabalik ako sa sarili ko… Ginising ako ni Princessa…
“Ala… Ang ganda mo kasi eh…”, sagot ko…
“Che! Bolero ka talaga…”, nangiti si Ma’am… “Di na kailangan yun, iyo na ako eh”, dagdag pa niya…
Natawa ako sa sinabi niya… Sinimulan na ng pari ang Misa para sa Kasal…
“Ikaw, HalleluYAH… Tinatanggap mo ba si Princessa bilang iyong kabiyak, katulong sa kahirapan at kasalo sa ligaya, hanggang sa kayo ay paghiwalayin ng kamatayan?”
“Opo, Padre… Tinatanggap ko siya… Ngayon, bukas at sa kailan pa man…”, nangiti sa sinabi ko si Ma’am…
“Ikaw, Princessa… Tinatanggap mo ba si HalleluYAH bilang iyong kabiyak, katulong sa kahirapan at kasalo sa ligaya, hanggang sa kayo ay paghiwalayin ng kamatayan?”
“Opo, Padre… Tatanggapan que… Ngeni, bucas, at quing capilan pa man…”
Ngayon ko pa lang narinig mag-capampangan si Ma’am… Nginitian ko siya, at sinabi sa amin ng pari…
“Kung gayon, kayo ay mag-asawa na… Maaari niyo nang halikan ang isa’t isa…”
Namula si Ma’am. Medyo nahiya rin ako… Pumikit siya. At hinalikan ko siya…
Asawa ko na si Princessa!
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...