title of your story

7 0 0
                                    

Ang daya mo Princessa…

Sabi ko na, ako muna ang ipabunggo mo sa truck. Eh nataranta ka naman. Nauna ka pa sa akin.

Ang daya mo Princessa…

Iniligtas na nga kita dati. Pero sinayang mo pagpapakabayani ko. Ngayon di na kita nailigtas. Ngayon, ala na talaga…

Ang daya mo Princessa…

Di ba nangako ka? Alang iwananan. Alang indianan. Pero umalis ka, iniwan mo ako. Iniwan mo kami ng anak mo.

Ang daya mo Princessa…

Mahal mo ako? Ba’t umalis ka? Ba’t nataranta ka? Ayaw mo ba kaming kasama ng anak natin?

Ang daya mo naman kasi… Princessa…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon