title of your story

23 0 1
                                    

Handa na ang mga kaklase ko. Hawak na nila ang mga white tulips. Si Ma’am na lang ang kulang. Kinakabahan ako…

“Ma’am, bilisan niyo po, nasagasaan po ng truck si HalleluYAH!”, nagmamadaling sabi ni Lucio…

“Ano?”, di makapaniwala si Ma’am… “Nasaan siya?”…

Inihatid siya ni Lucio sa Clinic. Doon, nandoon si Nurse Joy, malungkot…

“Huli na po kayo…”

Lumuha si Ma’am… Unti unti, lumapit siya sa kamang kinalalagyan ko… Inialis niya ang nakatakip na kumot sa akin…

“Will you marry me?”, nakangiti kong tanong… Sinampal ako ni Ma’am… Aray, masakit yun…

“Wag ka ngang ganyan HalleluYAH! Pinakaba mo ako!”, nakatalikod si Ma’am… galit…

“So ayaw mo? Magpapakabunggo talaga ako sa truck…”, nagbanta ako… Pero nakangiti pa rin ako…

“Sinong nagsabing ayaw ko?”, nakangiti na si Ma’am, pero nagpupunas pa rin ng luha… “Pero, ganito kaaga? Ayaw mo munang mag-aral?...”

“Gusto ko… Pero naisip ko kasi, paano kung mabangga talaga ako ng truck?… Gusto ko mapakasalan muna kita bago mangyari yun… Isa pa, isang sem na lang naman at graduate na ako… Makakapag-aral naman ako kahit asawa na kita…”

“Hindi ka naman mabubunggo ng truck eh… pero ako, kahit kailan, pwedeng mamatay”…

Ngumiti si Ma’am. Natigilan ako. Tama siya… Napansin niya siguro ang emosyon ko kaya binago niya ang usapan…

“Nasabi mo na sa Mama at Tatay mo? At saka baka kasi di pumayag Nanay at Papa ko…”, pangangamba ni Ma’am…

“Edi sabihin natin…”, Pumasok ang mga magulang namin, kasama ang mga kaklase kong may dalang white tulips… “Ma, Tay, Nay, Pa… magpapakasal na po kami…”…

“Sige ba…”, Sabay sabay nilang sagot…

“Pakakasalan mo ba ako?”, inilabas ko ang isang Singsing na replica noong Singsing ni Apu Iru…

“Oo, papakasalan kita!”, lumuha ang Princessa…

Ngumiti ako…

Atin cu pung SingsingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon