“Sa wakas, tumayo ka na rin. Nagpapakataba ka sa pagmumukmok…”, nakangiting sabi ni Princessa.
“Ah eh, naisip ko kasi, di pa tapos ang laro… Queen lang ang nawala…”
“So, nila-lang mo na lang ako ngayon?”
Tumawa ako… “Hindi pa rin… Princessa… Masakit pa rin sa akin na ala ka, pero, may magagawa ba ako kundi tanggapin na lang yun?”, medyo nalungkot ako sa sinabi ko…
“Huwag kang malungkot. May anak pa tayo. Teka, male-late ka na ah…”
“Ah, hindi ako nale-late…”, sagot ko…
“Bakit naman?”
“Di naman kasi nale-late ang boss!”
Tumawa si Princessa, “Laban! HalleluYAH!”…
“Opo, Ma’am… Laban!”
Nakita ko ang ngiti ni Princessa… At bigla siyang nawala…
BINABASA MO ANG
Atin cu pung Singsing
Historical FictionAng lahat ng nakasulat dito ay imagination ko lang... pero totoong may mga parte dito na nangyari talaga... Inuulit ko po... mga parte lang yun... :) Sensya na... la talaga title yung mga chapters...