Chapter 10

85 5 0
                                    

JAZIEL

NAKANGUSO lang ako habang nakatingin kay Maville na siyang nag-aasikaso sa mga customer. Hindi niya ako pinapayagang magtrabaho dahil nga alam niya na may masakit saakin, nakaupo lang tuloy ako mula kanina pa.

"Bayad po!"

Napatingin ako kay Rhizza na naglagay ng dalawang corneto ice cream sa line ko. Tatayo na sana ako upang kuhanin ang bayad niya ngunit pinigilan ako ni Maville at siya na ang nagkwenta noon. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero alam kong hindi niya naman nakita iyon.

"Maville! Sine-swelduhan ako dito para hindi umupo lang ah." nakangusong reklamo ko habang masama ang tingin sa kaniya. Saglit niya naman akong sinulyapan at bumaling kaagad sa ginagawa niya.

"Just rest, Chantria." mautoridad na aniya.

Umirap naman ako saka nagcrossed arms.

"Alagang-alaga si Chan-chan ah? Hmm, siguro nagi-guilty ka ano?" hirit ni Rhizza.

"Uh--- guilty for what?" nagtatakang tanong naman ni Maville.

"Kase pinagod mo siya!" si Rhizza.

Natigilan naman si Maville saka sumulyap saakin, napakagat ako ng labi at nag-iwas ng tingin.

"Tsk tsk tsk! Ikaw naman kase, Maville. Mag-eexercise na nga lang kayo, bakit sa gabi pa? Saka, bakit mo naman binigla?" dagdag pa ni Rhizza. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya.

Pano niya nalaman 'yon?! Narinig niya kaya kaming nag-uusap ni Maville kanina?

"Dapat kase hindi mo binigla ang katawan ni Chan-chan! Dapat nagwarm up muna kayo, ayan tuloy sumakit ang katawan niya."

Napalunok naman ako dahil sa kahihiyan nang tumingin saakin si Maville.

"Nagwarm-up naman kami ah?" inosenteng saad ni Maville ngunit nakangisi.

"Tsaka alam mo, ang exercise dapat sa umaga ginagawa 'yan." si Rhizza.

"Okay, next time sa umaga na. Oh kaya naman tanghali, what do you think Chan?" nakangising baling niya saakin.

"H-ha? S-sige." nauutal na sagot ko. Tumawa naman siya saka inabot kay Rhizza ang ice cream niya.

"Tiarra!" nilingon ko naman si Chin na papalapit din saamin.

"Bakit, Chin?"

"Dumiretso kayo sa bahay mamaya ha, pag-uwi niyo." nakangiting paanyaya nito.

Kumunot naman ang noo ko at nagtaas naman ng kilay si Maville.

"Huh? Bakit anong mayroon sa inyo?" tanong ko pa. Ngumuso naman ito at animo'y nalungkot sa tanong ko, bagsak ang balikat nito habang nakatingin saakin.

"Ay! Hahahahahahahaha! Hindi ka mabuting kaibigan, Chan-chan!" singit ni Rhizza.

"A-ano ba 'yon?" kinakabahang tanong ko.

"Birthday ko ngayon, nakalimutan mo?" malungkot na sambit ni Chin.

Umawang naman ang labi ko dahil nakalimutan ko nga iyon! Gosh! Paano ko nagawang kalimutan ang birthday ng kababata ko?!

"Omygosh! Hala! Nakalimutan ko, Chin! Wala akong regalo sa 'yo." nakanguso kong sabi ko. Tumayo na lamang ako at lumabas sa counter, pagkatapos ay inakbayan ko siya.

"Nakakatampo ka talaga, Tiarra." maluha-luhang aniya.

"Sorry na! Hindi ako nakabili ng regalo."

Nagkatinginan kaming dalawa saka ako ngumiti ng malaki sa kaniya.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now