Chapter 12

69 5 2
                                    

BOYFRIEND

KINABUKASAN. Alas kwatro pa lamang ay nagising na ako dahil alas sais ang umpisa ng klase ko. I cooked sopas for Maville's breakfast and bumili na rin ako ng gamot for hangovers dahil alam kong sasakit ng ulo niya pagkagising.  Inaayos ko ang necktie ko sa harapan ng salamin nang lumabas si Maville mula sa kwarto, nakahawak ito sa ulo at nakangiwi. Mukang masakit nga ang ulo niya.

"What time is it?" pikit matang tanong niya tumingin naman ako sa wall clock.

"5:14 am pa lang. Bakit ang aga mo namang magising?" tanong ko sa kaniya. Nang matapos akong mag-ayos ng necktie ay saka naman ako nagsuklay.

"I can't find you in our bed so, I woke up. Getting ready for school?"

Pasimple akong lumingon sa kaniya na pumasok naman ng kusina.

'I can't find you in our bed? Hanep ah, parang mag-asawa lang?'

Hindi ko naman pinansin ang huling tanong niya, halata naman na nagreready na akong pumasok eh.

"Anong oras ang klase mo?" tanong niyang muli ng makalabas siya, mukang naghilamos at nagmumog na siya dahil maayos na ang itsura niya.

"6:30am. Kumain ka na lang diyan, I cooked sopas and may gamot diyan para sa hangovers." sagot ko sa kaniya. Pagkatapos ko namang suklayin ang buhok ko ay itinirintas ko naman ang magkabilang bahagi ng aking buhok.

"Wait for me, I'll send you to school." aniya saka nag-umpisang kumain.

"Huh? Huwag na, magsasayang ka lang ng pamasahe. Tsaka, paalis na rin ako." saad ko saka inayos ang mga gamit ko sa bag.

"I said wait for me, Chantria." he said. His voice was full of authority.

Napabuntong hininga naman ako saka tumango, walang choice kung hindi sumunod.

"Bilisan mo, baka malate ako. Ayaw ko pa naman ng nalelate ako." nakangusong sambit ko saka umupo sa sofa.

Ilang minuto ang itinagal niya sa pagkain saka siya naligo. Minutes had passed, isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko nang makitang bihis na bihis na siya, nagsusuklay na lamang siya sa harapan ng salamin. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdana ng itsura niya, sobrang gwapo niya. Medyo humahaba na ang buhok niya ngunit mas bumabagay sa kaniya iyon. Naroon parin ang hikaw sa kaniyang tainga, hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi ito pero muka siyang bad boy.

"Let's go."

Natauhan ako ng bigla siyang magsalita, walang alinlangang tumayo na ako saka nauna nang lumabas ng bahay. Dala-dala ko ang bag at ang ilang papers ko na ipapasa ko na mamaya. Siya na ang naglock ng pintuan habang ako ay nakatingin lang sa kaniya.

"Sumisikat na ang araw." bulong ko sa sarili.

"Tara." aniya saka kinuha ang bag ko saaking likuran. Nagulat man ay hinayaan ko na lang siya. Naglakad kami hanggang sa makarating sa paradahan ng tricycle.

"Kuya, PUP po." saad ko at agad naman kaming isinakay ng tricycle driver sa kaniyang tricycle.

"Uh, Maville naboboring ka na ba sa bahay?" maya-maya'y tanong ko kay Maville.

"Hmm, kind of. When you're not around." sagot niya naman.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa bayan sa sabado? May amusement park doon! Na-receive ko na kasi yung allowance ko." saad ko pa.

"Allowance?"

"Diba scholar ako? May monthly allowance ako."

"Oh, I see."

Umakto naman siya na parang nag-iisip habang nakatingin sa labas ng tricycle. Magsasalita na sana ulit ako ngunit natigilan ako nang ilagay niya ang kaliwang kamay sa hita ko, pumipisil pisil pa ito.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now