Chapter 58

15 2 0
                                    

NAGISING ako sa hindi pamilyar na kwarto. Sa unang pagbukas ko ng aking mga mata ay puro puti agad ang nakita ko.

'Am I dead?'

Unang tanong na pumasok sa utak ko. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko, ang init ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung nasaan ako at mas lalong hindi ko alam kung ano bang nangyari sakin.

"Chan-chan! Oh my God! Gising ka na!"

Isang pamilyar na boses ang umecho sa pandinig ko, nilingon ko naman iyon at muka agad ni Rhizza ang una kong nasilayan.

"N-nasaan ako?" mahinang tanong ko. Halos hindi ako makapagsalita ng maayos dahil kahit ngayon ay parang gusto paring pumikit ng mga mata ko.

"Nasa hospital ka, Chantria. Grabe, hindi namin alam ang gagawin nang malaman namin na nawawala ka..." si Chin iyon, puno nang pag-aalala ang boses niya.

Nasa hospital ako? Anong nangyari saakin?

Ang huling naalala ko ay nasa gubat ako habang malakas ang ulan... Habang hinihintay ko si Jaziel...

Kahit nahihirapan ay pinilit kong makaupo sa kama dahil naaalala kong bigla si Jaziel!!

"Rhizza! Chin! Si Jaziel... Anong nangyari sa kaniya??" tanong ko na may halong pag-aalala. Para akong naiiyak sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Hindi rin namin alam, Chan-chan e... Hindi namin siya nakita..." si Rhizza ang sumagot saakin.

"What do you mean hindi niyo nakita si Jaziel? Paano ako napunta rito?" kumunot ang noo ko saka nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.

"Si Nash ang nagdala sa'yo rito sa hospital. Siya ang nakakita sa'yo sa gubat ng walang malay, Chantria." seryosong sambit ni Chin.

Si Nash... Si Nash nanaman. Kung ganoon ay hindi nga ako binalikan ni Jaziel? Pero sabi niya babalikan niya ako doon hindi ba?

Wala sa sariling natawa ako dahil sa nalaman ko. Mapait akong napangiti saka muling nahiga.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" si Rhizza. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil ang tanging nararamdaman ko lamang ay sakit. Physically and emotionally.

Bakit ba kasi umasa pa ako kay Jaziel na babalikan niya ako doon?

Mas lalo pa akong napangiti ng mapait nang maramdaman ko ang pagtulog ng mga luha ko.

Why am I crying? Bakit ako umiiyak nang dahil sa kaniya?

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Chin saakin. Tumingin naman ako sa dalawa saka sila nginitian.

"Chin, Rhizza... Pwede bang iwan niyo muna ako rito? Gusto ko munang mapag-isa." I sincerely said. Nagkatinginan naman ang dalawa saka tumango.

"Tawagin lang muna namin ang doctor." sabi ni Rhizza saka sapilitang hinila si Chin palabas ng kwarto.

Doon ako umiyak. Umiyak ng malakas.

Hindi ko alam kung nagiging emosyonal lang ba ako dahil nilalagnat ako o dahil iniwan ako ni Jaziel mag-isa sa gitna ng gubat. It's not really a big deal. Pero bakit ko bini-big deal? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako umaasa?

"Sabi niya kasi babalikan niya ako doon e.. Nagpromise p-promise pa siya sa'kin, 'yon pala i-iniwan na ako mag-isa doon." humihikbi kong sabi.

"Bakit ba kasi umasa ako doon! Porke ba kamuka siya ni Maville!" dagdag ko pa saka nagpapadyak.

"Kamuka nga siya ni Maville, pero hindi siya kaugali ni Maville!! Lalong lalo nang hindi siya si Maville!"

'Huhuhuhu! Bakit ba kasi nangyayari pa sakin 'to! Ang gulo gulo na ng buhay ko!'

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now