Chapter 48

51 5 2
                                    

NAKATUNGO ako habang naglalakad. Sinusundan ko si Jaziel hanggang sa makarating sa Office niya.

Mas lalo pa akong kinabahan nang nangibabaw ang matinding katahimikan sa pagitan namin.

"Who told you to do that?" tanong nito, nagitla pa ako ng bahagya sa biglaan niyang pagsasalita.

"Alin?" balik na tanong ko sa kaniya, palinga-linga naman ako sa paligid at iniiwasang mapatingin sa kaniya.

"Bakit ka sumusugod sa ganoong away? Mas lumala pa tuloy ang gulo dahil sa'yo, tingnan mo nga 'yang sarili mo. SSG officer ka pa mandin." aniya na may halong paninisi.

Bahagya namang kumunot ang noo ko saka ako unti-unting nakaramdam ng pagtataka.

"Teka? Bakit parang kasalanan ko pa na nag-away sila doon?" tanong ko na may pagtataka. Nakaramdam ako ng kaunting inis ngunit mas nangibabaw saakin ang pag-intindi.

"What i'm trying to say is.. Hindi ka dapat nakikisali sa mga ganoong away, makakasira 'yan sa image ng SSG Officer! Dapat hinayaan mo na lang sila doon!"

Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. Sinisigawan niya na ako! Ano bang problema niya?

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko bago magsalita.

"Anong sabi mo? Dapat hinayaan ko na lang sila? Hindi ba mas lalong makakasira sa image ng SSG Officer kung hahayaan ko lang silang mag-away doon gayong kaya ko namang umawat? At paanong hindi ako makikialam? Kapatid ko 'yong sinasabunutan doon." kalmadong sabi ko, ngunit nararamdaman ko na ang galit na kanina pang gustong kumawala saakin.

Hindi nakapagsalita si Jaziel at nanatiling nakatitig saakin.

"Dapat hinayaan na lang sila huh? Sabihin mo nga sakin, paano ka naging SSG Vice President ng may ganiyang mindset?" dagdag ko. Mas lalo siyang hindi nakasagot.

May dumaang gulat sa mga muka niya ngunit pilit niya rin itong hindi pinahalata.

Nang hindi ko na kinaya ang mga nangyayari ay umalis na ako roon. Baka kung ano pang masabi ko kung magtatagal pa ako.

Isa pa ay malapit na ring magsimula ang klase namin kaya naman nagmadali na akong magpunta sa room namin.

Nakakainis! Hindi ako nakapag review!

Nang makarating nga ako sa room namin ay naroon na si Rhizza.

"Oh? Bakit namumula 'yang pisngi mo? Saka ang gulo ng buhok mo ah. Anong nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong niya saakin nang makaupo ako sa tabi niya.

Tinitigan ko naman siya.

"Nakita ko si Aleyah kanina, pinagtutulungan doon. Edi pinagtanggol ko." panimula kong kwento.

"Ay we? Bakit hindi mo ako tinawag? Eh anong nangyari diyan sa pisngi mo? Kita mo oh pulang pula." aniya tapos pinindot pa itong pisngi ko.

Umaray naman agad ako saka siya hinila ang kaunting hibla ng buhok niya.

"Masakit nga." sabi ko.

"Oh tapos anong nangyari?" tanong niya na parang walang pakialam sa sinabi ko.

"Edi ayun, nadamay ako sa pinagtulungan. Sinabunutan rin ako ng kasama noong babae doon. Tapos dumating bigla si Jaziel at Nash. Kasama si Clarence. 'Yong SSG Vice President at President? Ayon inawat kami doon. Umaawat din naman ako kanina kaso nadamay din ako." pagkwento ko.

Ikinwento ko rin sa kaniya na nagkasagutan kami ni Jaziel doon sa Office niya.

"Ah talaga, sinigawan ka?! Aba! Halika, samahan mo ako roon at sisigawan ko din siya!" sambit ni nito saka siya tumayo at mukang susugurin si Jaziel.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now