Chapter 50

29 4 0
                                    

NANG lumabas ako sa silid na iyon ay nadatnan ko si Aleyah sa labas. Nakatingin ito saakin ng seryoso na animo'y ang lalim ng iniisip.

"Hey, k-kamusta?" naiilang na tanong ko sa kaniya dahil hindi ako sanay sa paraan niya nang pagtitig.

"Next time, 'wag mong iinvolve ang sarili mo sa mga bagay bagay na wala namang kinalaman sa'yo. Pakialamera." aniya saka ako iniwan doon. Natulala ako sa sinabi niya saakin.

Bakit ba ang laki ng galit saakin ni Aleyah? Dahil ba sa away ito o dahil sa nangyari kagabi?

Though wala namang nangyari kagabi dahil ipinakilala lang naman ako sa pamilya ng business partners ng magulang ko, which is ang Grayson. Ever since ipinakilala ako sa kanila ay mas lalo atang lumala ang galit saakin ni Aleyah.

Napabuntong hininga ako sa isiping iyon, babalik na sana ako ng room nang mapansin kong nag va-vibrate ang cellphone ko na nasa bag.

From Rhizza:

Next class na, nasaan ka na?

Nanlaki ang mata ko!

'Oo nga pala, may klase pa ako!'

Napailing naman ako saka nagmadaling maglakad! Ang layo pa ng department namin dito! Sa dulo pa!!

------

NAPABUNTONG hininga ako habang iniisip ang sinabi ni Aleyah saakin kanina. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung bakit galit na galit siya saakin samantalang hindi ko naman siya pinakikitunguhan ng masama. Isa pa, gusto ko lang naman maging maayos kami.

Muli akong napabuntong hininga nang mapansin ang oras.

"Oh, ang lalim ng iniisip mo 'te! Uwian na talaga!" ani Rhizza na kanina pa palang nakatitig saakin. Napalingon ako sa paligid ko, nagsisilabasan na ang mga kaklase namin!

"Hala, uwian na pala?" gulat na tanong ko sa kaniya.

"Oo talaga! Kanina ka pa tulala diyan!" aniya pa. Napakamot naman ako sa ulo ko saka inayos ang mga gamit ko.

"May problema ka ba, Chan-chan? Parang lagi ka na lang problemado ah. Magsabi ka nga saakin." seryosong sambit nito.

"Wala naman akong problema, Rhizza. Sadiyang wala akong ganang makinig sa klase ngayon. Ewan ko ba." palusot ko naman.

"Huy! Kung kailang graduating saka nawalan ng gana? Ay ante, internship na next sem!" saad niya pa.

Isa pa 'yon, internship na nga pala ang susunod na semester. Paniguradong mas mauubusan ako ng time kay Hestia. Problema nanaman!

"Halika na, umuwi na tayo. Miss na miss ko na ang anak ko." sabi ko sa kaniya saka kami sabay na lumabas ng room.

"Oo nga pala, ano nga palang nangyari kanina? Bakit ka ipinatawag sa guidance?" tanong ni Rhizza habang papalabas kami.

Muli ko nanaman tuloy naalala ang nangyari kanina kaya naman nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kaniya.

"Hala! Rhizza, nahanap nila 'yong sumampal saakin!" nanlalaki ang matang kwento ko.

"Ha! Sinong nakahanap??"

"Sila! Si Jaziel at Nash! Saka alam mo ba, na-expelled na ata siya! Lumuhod pa naman sa harapan ko kanina huhu!"

"Ha! Sinong na-expelled??"

"'Yong sumampal nga saakin!"

"Ay dapat lang! Dapat isinama mo ako kanina para iginanti kita, tsk tsk! Edi sana nasampal ko 'yon kaliwa't kanan ng pisngi niya!"

Napailing naman ako sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako ngunit aksidente kong nakita si Nash na nakaupo sa labas ng department namin, parang may hinihintay.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now