Chapter 11

81 5 0
                                    

AKIN

"WHAT food is this?" tanong ni Maville, pare-pareho naman kaming napatingin sa kaniya.

"Menudo 'yan, Maville. Hindi ka pa ba nakakakain niyan?" si Rhizza.

Umiling naman si Maville saka inosenteng lumingon saakin.

"Masarap ba ang menudo?" tanong niya rin saakin.

"Oo naman! Actually paborito ko rin 'yan hehe!" sagot ko sa kaniya. Tumango tango naman siya saka kumuha ng kanin at ng ulam na menudo.

"Speaking of my favorite. Chin? May sisig ba?" baling ko kay Chin na nakatingin na rin pala saakin.

"Oo naman! Ayun oh may takip!" turo niya sa lamesa. Kaagad ko namang inalis ang takip nito at malawak ang aking naging pagngiti ng makita ang sisig doon.

"Yes! Thank you, Chin!!" pagpapasalamat ko sa kaniya saka nilantakan ang ulam na iyon.

"Pahingi." si Maville.

"Akala ko ba ayaw mo nito kasi maanghang?" inosenteng tanong ko sa kaniya.

"It's your favorite so I must love that." aniya sabay subo ng isang kutsarang sisig.

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na natawa ng bigla siyang mag-uubo.

"Shit! It's very spicy!" reklamo niya at ininom ang inabot kong tubig.

"Akala ko na you must love my favorite?"

"Oo nga, wala naman akong sinabi ah." aniya pa saka muling sumubo ng isang kutsarang sisig. This time, pinilit niyang ngumiti saakin habang nginunguya iyon. Hindi ko mapigilan humalakhak dahil sa itsura niya! Mapula ang muka niya pati na rin ang tainga, dahil siguro nakain niya yung mga sili. 

"Ang cute mo! Hahahahaha!" natutuwang saad ko lalo namang namula ang muka niya. Sabay namang tumikhin 'yong dalawa kaya tumingin ako sa kanila.

"Ah pare, umiinom ka ba?" si Chin, tinatanong si Maville. Tahimik naman kaming kumakain ni Rhizza habang nakikinig sa kanilang dalawa.

"Yeah, why?"

"Good! Let's grab a drink! Pagkatapos mong kumain."

"Okay." si Maville.

"Oy! Pwedeng jumoin?" singit ni Rhizza.

"Tsh! Bawal ang babae, mahina sa inuman." pasiring na ani Chin.

"Hoy! Baka nga mas mahina ka pang uminom kaysa sa'kin! Isali niyo 'ko, nang magkaalaman na tayo!" panghahamon ni Rhizza.

"Bahala ka!"

Minutes later, pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako sa kanila upang umuwi ng bahay dahil marami pa akong projects na kailangang tapusin. Malapit na kaseng matapos ang 1st sem at pinaghahandaan ko ang finals. Iniwan ko na lang si Maville doon dahil alam kong mag-iinuman pa silang tatlo.

I wonder kung sino ang unang malalasing sa kanilang tatlo.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa bag at sinimulan ang mga gagawin ko.

------

"Aray!" reklamo ko nang biglang tumunog ang buto ko sa likuran. Kanina pa kasi ako nakaupo at nakatutok sa ginagaw akong project.

Aksidente akong napatingin sa wall clock namin. Hindi ko na napansin ang oras, ala una na pala.

"Bakit kaya hindi pa umuuwi si Maville?" wala sa sariling tanong ko. Tapatitig naman ako sa gawa ko ng ilang segundo ngunit maya-maya pa ay napagdesisyunan kong iligpit iyon at puntahan si Maville sa kapitbahay.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now