Chapter 54

15 5 0
                                    

KATULAD nga nang sinabi ni Nash ay dumaan ang bus na sinasakyan ng mga civil engineering ng CIE. Sakto namang nakasakay pala doon sina aleyah at Chin, ang ikinamalas ko lamang ay hindi ko sila makakatabi dahil si Jaziel ang katabi ko. Malas dahil dalawang magkatabing seat ang walang nakaupo.

'Hanggang sa bus ay katabi ko siya. Paano ko na siya iiwasan ngayon?'

Napabuntong hininga na lamang ako nang magsimula nang umandar ang bus. Mabuti na lamang at sa may bintana ako nakaupo.

'Dalawa na tuloy ang iniiwasan ko ngayon, unang-una ay ang masuka, pangalawa ay si Jaziel.'

Napailing na lamang ako saka ko napagdesisyonang matulog na lamang.

Alas sais na ng hapon nang makarating kami sa aming destinasyon. Tumigil ang bus malapit sa mismong resort kaya naman kahit medyo nagdidilim na ang paligid ay tanaw na tanaw parin ang dagat mula sa kinauupuan ko.

Nais ko na sanang bumaba ng bus, ngunit doon ko lang napansin na tulog pa pala 'tong katabi ko. Tatapikin ko na sana siya sa balikat pero napaisip ako bigla.

'Gigisingin ko ba siya or hindi na? Hayaan ko na lang matulog?'

"Parang ang rude naman kung iiwan ko na lang siyang mag-isa dito." nakangusong sambit ko. Napatingin ako sa kabuuan ng bus, nagsibabaan na ang mga kasama namin. Kahit sina Chin at Aleyah ay naka baba na rin.

Marahas akong napabuntong hininga kasabay nang pagkunot ng noo ko.

"Hindi manlang ako hinintay noong dalawa." sabi ko pa.

"You can go na if you want."

"Palaka!"

"Where?"

Napalayo naman ako bigla nang makitang nagising na pala si Jaziel at nakatitig na pala saakin!

"G-gising ka na pala. Nakababa na silang lahat, sumunod na tayo doon." saad ko saka nag-iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka pa nauna? Are you waiting for me?"

Kumunot nanaman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit parang may halong panunukso ang boses nitong taong 'to?

"Ha? Hindi ah. Nakaharang ka kasi sa dadaanan ko kaya hindi ako makababa." wala sa sariling napairap ako.

"Oh, I'm sorry."

Bigla naman siyang tumayo para mabigyan ako ng daan, kaya naman tumayo na rin ako upang makuha ang gamit ko na inilagay nito sa itaas kanina. Mabuti na lamang at matangkad ako kaya naman abot na abot ko ang itaas nito.

Nang magsimula akong kunin ang mga gamit ko sa itaas ay doon naman ako nahirapan, n'un ko lang din kasi napansin na mabigat pala 'yon. Kaya naman kahit nahihiya ako ay hinarap ko na si Jaziel na siya ring nakatingin saakin at pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Need help?"

I slowly smiled at him saka ako tumango sa kaniya. Napailing naman ito at lumapit, tumabi naman ako para makuha niya ang mga gamit ko sa itaas. Walang kahirap-hirap niya 'tong ibinaba.

"Thank you!" I sincerely said and giggled. I started to wear my backpack, saka ako lumabas upang magpatulong naman sa maleta kong nasa compartment ng bus.

"Thank you po!" sabi ko doon sa driver nang maibigay nito ang maleta saakin.

"You brought too much things."

Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa likuran ko na walang iba kung hindi si Aleyah.
Nakataas ang kilay nito saakin at parang jinajudge ang mga gawain ko sa buhay.

"Hi, Aleyah! Nasaan si Chin?" tanong ko dito. Bigla naman niya akong tinarayan.

"I don't know! Am I hanapan ng nawawalang aso? Duh!" Aleyah rolled her eyes.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now