Chapter 56

11 3 0
                                    

HINDI ko alam kung ano bang ginawa kong kasalanan sa buong buhay ko para parusahan ako ng ganito. Nagsisimba naman ako every sunday, nagdadasal din ako ako maya't maya. Bakit naman ganito huhu.

Nanlulumo akong napatingin kay Jaziel na noon ay nakatingin na rin pala saakin, binigyan ako ng nagtatakang tingin nito saka pinagtaasan ng kilay. Inismiran ko naman siya, saka itinaas ang papel na hawak ko.

Nakasimangot akong lumapit sa kaniya saka ibinigay ang papel na nabunot ko kanina.

"Mukang walang magsi-stay away ngayon hehe." biro ko sa kaniya. Napakamot pa ako sa ulo dahil sa kadismayahan. 

Napailing naman ito saka itinago ang papel na iyon sa bulsa niya.

Maya-maya pa ay nagsimula na nga ang nasabing aktibidad. Binigyan kami ni Nash ng kaniya kaniya naming mga mapa upang mahanap ang treasure na nakatago sa isang baul.

Si Jaziel ang may hawak nang mapa samantalang ako naman ay nakasunod lamang sa kaniya. Maraming estudyante ang sumali sa activity kaya naman nang makapasok kami sa gubat ay marami rin kaming nakasabay sa paglalakad.

"Jaziel! Ayun! May nakatusok na red flag sa banda doon!" bulong ko kay Jaziel upang hindi kami marinig ng ilang naghahanap din at hindi maunahan. Nabalutan nang saya at excitement ang puso ko habang tumatakbo papunta doon.

"Wait, I'll dig." ani Jaziel. May kinuha siyang gamit sa backpack niya samantalang ako ay naghihintay lamang na hukayin niya 'yon. Nang simulan niya namang hukayin ay hindi na ako nakatiis at nakihukay na rin gamit ang kamay ko.

"Hey, that's dirty. Ako na lang maghuhukay." mahinahong awat nito saakin at pinigilan pa ang kamay ko sa paghuhukay, ngunit hindi naman ako nakinig sa kaniya. Narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga niya nang hindi niya ako mapigilan saka ako binitawan. Napahalakhak naman ako saka siya sinulyapan, umiiling na ito habang nangiti.

"Ang laki naman ng baul na ito." nakangusong sambit ko saka kinatok katok 'yon.

"Base sa instructions, we need to bring the flag with us. We also need to open this baul to know the laman inside."
Muntik na akong mapailag sa pananalita niya. Nahawa na yata siya sa girlfriend niyang conyo. Bigla naman akong natawa sa naisip ko.

"What's so funny?" seryosong tanong nito saakin. Nawala naman ang ngiti ko kaya umiling na lamang ako at nagpamaunang magbukas ng baul.

"Wow! May chocolate!" I giggled. Kinuha ko ang chocolate na nakalagay sa loob, napansin ko naman na may kasama itong card.

Nice catch! Find another one!

"Baduy." biglang sabi ni Jaziel. Tumayo siya at naglakad paalis.

"Cute nga!" sabi ko pa saka sumunod sa kaniya.  Napansin ko naman na nawala na agad ang iba naming schoolmates namin, siguro sa iba naghahanap.

Habang papalayo kami sa may dagat ay doon naman nagsisilakihan ang mga punong nadadaanan namin. Malalago na rin ang mga damo roon, mabuti na lamang at cargo pants ang suot ko at hindi masusugatan ang mga hita at binti ko.

"Sanay na ako sa mga gubat rito sa Quezon pero hindi ko parin maiwasang matakot." wala sa sariling sambit ko. Narinig naman ito ni Jaziel na nakatutok ang mga mata sa mapa namin.

"Bakit naman?" si Jaziel.

"Ha? Eh kasi hindi ko maiwasang mag-isip."

Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay. Marahil ay nagtataka siya sa naging sagot ko.

"What if may aswang dito?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Napalingon lingon pa ako sa paligid namin dahil kaming dalawa na lamang ang tao dito, naiwan na kami noong iba naming kasamahan.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now