Chapter 41

60 8 4
                                    

*KRIIIIIING!* *KRIIIIING!*

Bahagya akong naalimpungatan nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Sign na may tumatawag.

Kinuha ko ang cellphone sa study table na katabi ng kama ko at sinagot ang tawag kahit inaantok pa ako.

[Where the hell are you? I've been calling you for 8 minutes straight!]

Nagising ang diwa ko nang bigla na lamang sumigaw ang nasa kabilang linya.

"Ewan ko? Sino ka ba?" nakangusong tanong ko saka tiningnan ang screen ng phone. Hindi naman naka-register ang phone number niya sa contacts ko.

[Are you really asking me right now Ms. Secretary?]

Muli akong napatingin sa screen ng phone ko saka ko unti-unting na-recognize ang boses niya.

'Omg! Si Pres!'

"Hehe.. Pres?"

[Where are you? Kanina pa ako tumatawag sa'yo, kailangan ka rito ngayon!]

Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga dahil sa lakas ng boses niya. Bakit ba parang galit siya lagi?

Tiningnan ko sa screen ng cellphone ko kung anong oras na ba.

Alasais pa lang!

"Ang aga aga pa, Pres. 6am pa lang kaya." reklamo ko saka umupo sa kama.

Pasimple kong sinulyapan ang kabilang gilid ng kama ko upang makita ang crib ni Hestia kung saan siya natutulog. I suddenly smiled when I saw her sleeping peacefully.

[Jaziel is waiting for you, he's looking for you. You must be here in 30 minutes.]

Sino naman 'yon?

"Jaziel?" nagtatakang tanong ko. Tumayo ako saka lumapit sa crib ni Hestia at pinagmasdan siya habang natutulog.

[The Vice President, madami raw siyang ipapagawa sa'yo. Make sure you'll be here in 20 minutes.]

"Hala! Sabi mo kanina 30 minutes, ngayon 20 na lang?!"

[Time is running Ms. Secretary.]

He then hang up the phone. Wala sa sariling napatakbo ako sa labas ng kwarto upang hanapin si yaya Gina para pabantayan si Hestia sa kaniya.

"Shet, 9am pa ang pasok ko. Bakit naman kasi nagmamadali sila!"

Nang mahanap ko si yaya Gina at nagmadali na akong maghanap ng susuotin. Iyong dress na binili ni Maville ang una kong nakita kaya ayun na lamang ang kinuha ko, pagkatapos ay naligo na rin ako.

Sa palagay ko ay sampung minuto lang ang inilaan ko sa pagliligo. Paglabas ko sa CR ay si Hestia agad ang hinagilap ng mata ko, gising na pala ito at karga karga na ni yaya Gina.

"Yaya Gina, ibi-breastfeed ko po muna siya." ani ko saka kinuha si Hestia sa kaniya.

Matapos ko ngang i-breastfeed si Hestia ay nagmadali na akong bumaba, nakasalubong ko pa si ate Hailey sa living room.

"Oh, Chantria? Papasok ka na?" gulat na tanong nito saakin.

"Oo ate eh."

"Hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na ate! Late na kasi ako eh, sa school na lang ako kakain."

Tatakbo na sana ako palabas pero pinigilan niya ako.

"Wait... Here, have this. Bumili ka ng food later." aniya saka nag-abot saakin ng pera. Ibabalik ko pa sana sa kaniya iyon pero hindi na ako nakatanggi at tumakbo na lang papunta sa garahe, mabuti na lang at nandun ang driver namin kaya nakarating agad ako sa CIE.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now