Chapter 27

57 7 10
                                    

ILANG buwan ang nakalipas and finally, nakatapos naman ako ng third year kahit mahirap. Kada buwan na lumilipas ay palaki rin ng palaki ang aking tiyan kaya mas naging maingat ako sa mga ginagawa kong kilos. May mga taong mapanghusga parin ngunit mas lamang ang mga taong umaalalay saakin. Katulad na nga nina Rhizza at Chin na halos hindi na alisin ang tingin saakin.

July noong matapos ako ng third year college, matapos noon ay kaagad na rin akong naghanap ng trabaho kahit ani na buwan na ang tiyan ko at tatlong buwan na lang ay manganganak na ako. Para na rin iyon sa panggastos kapag nanganak ako. Thankfully, nakahanap naman ako ng trabaho sa isang malaking restaurant sa bayan. Kaya lang hassle dahil araw-araw byahe papunta roon dahil malayo rin. Well, kahit ganoon ay nakayanan ko namang magtrabaho doon ng tatlong buwan dahil na rin siguro mababait ang mga katrabaho at ang boss ko.

"Tiarra, handa na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Jachin saakin. Nakangusong pinagmasdan ko ang ilang maleta na pinaglalagyan ng gamit ko.

Napagplanuhan kasi namin na lumipat muna ako sa bahay nina Chin doon sa bayan. Para daw kung manganganak ako ay malapit na ako sa hospital at malapit na rin ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, kabuwanan ko na rin kasi. Gustuhin ko mang tumanggi ay alam ko namang hindi ako sasang-ayunan noong dalawa kong kaibigan.

"Kailangan ko ba talagang umalis? Sayang rin ang bahay na 'to, dito na ako lumaki ano." nakangusong saad ko habang pinagmamasdan ang bahay. Hinihimas himas ko rin ang tiyan ko dahil panay ang sipa ng bata sa loob.

"Ano ka ba naman, Tiarra. Hindi ka naman habang buhay na doon titira. Pansamantala lang 'yon, hanggang sa maging maayos na ang kalagayan mo saka ni baby. Babalik ka rin dito." paliwanag niya. Bumuntong hininga na lang ako saka tumango.

Kinuha niya ang mga gamit ko saka inilabas na. Ako naman ay malungkot na napatitig sa salamin na nakadikit sa may gilid ng pinto ng kwarto. Muntik na akong maluha nang pumasok sa isip ko ang ala-ala naming dalawa ni Maville doon.

Siyam na buwan na ang nakalipas ngunit wala parin akong nagiging balita sa kaniya. Akala ko ba babalik siya? Akala ko ba kailangan ko lang magtiwala sa kaniya? Gusto ko man siyang hanapin ngunit mas inaalala ko ang bata na nabuo sa tiyan ko, isa pa wala akong sapat na pera para magpunta sa Maynila. Tapos sinabi niya pa na... Huwag ko na daw siyang hanapin.
Ganoon na lang ba lahat ng 'yon?

"Ang sakit mo naman, Maville." nakangusong sambit ko habang nakatingin sa salamin. May patak ng luha na dumausos mula sa mata ko ngunit kaagad ko rin naman iyong pinahid.

Muli na lamang akong bumuntong hininga saka ngumiti ng malawak. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko.

"Halika na baby." bulong ko sa sarili saka maingat na naglakad palabas ng bahay. Maroong tricycle na nakaparada doon, doon din nakalagay ang mga gamit ko. Nilock kong mabuti ang pintuan ng bahay saka dahan-dahang naglakad. Bago pa man ako makapasok sa tricycle ay lumapit na saakin si Ate Lalay.

"Chantria, hija? Saan ang punta mo?" nakangiting tanong niya saakin, hinaplos niya rin ang tiyan ko kaya napangiti ako. Si Ate Lalay, siya na rin ang nagsilbing ikalawang ina ko rito. Madalas niya akong bigyan ng pera para sa panggastos ko sa pagbubuntis, binibigyan niya rin ako ng mga gamit at damit ng baby. Hindi ko alam kung saan nanggagaling at kung bakit niya ginagawa iyon pero lubos akong nagpapasalamat sa kaniya dahil sobrang bait niya saakin.

"Ate Lalay, aalis na po muna ako. Nakakahiya man po pero, maaari niyo po bang bantayan itong bahay ko? Babalik din naman po ako agad." pakiusap ko sa kaniya.

"Oo naman hija, ikaw pa ba. Eh saan ba ang punta mo?" tanong niyang muli saka sinulyapan ang tricycle. Magsasalita na sana ako pero bigla namang sumulpot si Chin sa gilid ko.

My City's Moonlight (On Going)Where stories live. Discover now